Unang pakilala ni Yen Santos sa PBB bago pa makilala bilang si Jacky sa Halik

Unang pakilala ni Yen Santos sa PBB bago pa makilala bilang si Jacky sa Halik

- Bago pa man sumikat sa kanyang karakter sa Halik bilang ang legal wife na si Jacky ay una munang nakilala si Yen Santos sa Pinoy Big Brother

- Ngayon, sa pagbubukas muli ng bagong bihis na Bahay ni Kuya sa PBB: Otso ay muli nating silipin ang unang pagpapakilala at pagkita sa TV ng isa sa sikat na actress sa TV ngayon

- Spotted namin ang isang video, kung saan unang pinakilala si Yen ng Queen Host ng PBB mula pa 2005 na si Toni Gonzaga bilang ang "Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa may pinakamagandang mukha na nasilayan sa kauna-unahan at sikat na reality television show sa bansa, ang Pinoy Big Brother, ay si Yen Santos.

Ang huli ay unang nakita at napakilala sa telebisyon sa pamamagitan ng PBB show ng ABS-CBN network noong 2010.

Bago pa man siya nakilala bilang ang legal wife na pinagtaksilan sa hit Kapamilya teleserye na Halik ay sa PBB muna siya nagpakita sa kanyang magandang mukha.

Naispatan ng KAMI ang video sa pagpapakilala kay Yen at ang unang TV appearance niya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash.

Sa naturang video ay pinakilala siya ng Queen Host ng Pinoy Big Brother mula pa noong 2005, na si Toni Gonzaga bilang ang "Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija."

Hindi man inuwi ni Yen ang kahit anong panalo sa show dahil na-evict umano siya noong Day 43, siya naman ngayon ay isa sa pinakamagaling na artista sa showbiz.

At ngayon, sumikat pa ng husto dahil sa kanyang pagganap na Jacky sa isa sa pinapanood na teleserye ng ABS-CBN ang Halik, kung saan kasama niya rito sina Jericho Rosales, Sam Milby, at Yam Concepcion.

Speaking of Halik, ibinahagi namin kamakailan lang ang mga intense na eksena ni Jacky with Jade at Ace, at ang pagtadyak niya sa huli, na talaga namang pinag-uusapan.

At sa ibang bahagi, panoorin ang unang pagsilay ni Yen Santos sa Pinoy Big Brother sa babang video.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel