80-anyos, inakusahang scammer ang nakarelasyong 47-anyos na piyanista at asawa nito

80-anyos, inakusahang scammer ang nakarelasyong 47-anyos na piyanista at asawa nito

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang misis ng piyanista dahil sa panggugulo umano sa kanila ng nakarelasyong 80-anyos ng kanyang mister

- Ayon sa lola, nauna siyang makarelasyon ng lalaki bago ito makasal

- Subalit kahit nakasal na ang dalawa ay patuloy pa rin umano ang ugnayan ng lola at ng piyanista

- Gusto na rin talagang makipaghiwalay ng lola sa piyanista ngunit ang lalaki raw ang ayaw pumayag

- Isa raw sa nakikita niyang dahilan ay ang pakinabang nito sa kanya at marami na raw siyang nailabas na pera at gamit para sa lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang misis na si Analiza Reyes sa panggugulo umano sa kanila ng 80-anyos na si Zenaida Reyes na nakarelasyon umano ng mister niyang si Salvador.

Nalaman ng KAMI na unang nagkaroon ng ugnayan sina Salvador at Zenaida.

Read also

Dugyot na quarantine facility na inireklamo ng OFW, ipasasara ni Raffy Tulfo

Subalit kahit naikasal na ang lalaki kay Analiza, patuloy pa rin umano ang relasyon nito sa lola.

80-anyos, inakusahang scammer ang nakarelasyong 47-anyos na piyanista at asawa nito
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nang magharap ang dalawang panig sa 'Wanted sa Radyo,' taliwas ang sinasabi nito sa isa't isa.

Ayon kay Zenaida, si Salvador ang ayaw na makipaghiwalay na "honey" o "ney" pa ang tawag sa kanya.

Marami na rin daw siyang nailabas na pera at gamit para kay Salvador kung saan ang ilan ay kanya pang pinasasauli.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inakusahan din umano niya na "scammer" ang mag-asawa. Pinalalabas nitong may mga nakarelasyon ang piyanista na tulad niyang may edad na at kapag wala na itong mahita sa kanila, lalabas ang misis sa eksena para mapaghiwalay ang mga ito.

Dahil sa magulong sitwasyon, minabuti ni Tulfo na mamagitan at sabihan na rin ang lola na tigilan na ang pakikipag-usap lalo na ang panggugulo sa mag-asawa.

Read also

Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad

Sinabihan din nito si Analiza na sakaling magpunta muli si Zenaida sa kanila, tumawag lamang daw ito kay Tulfo at mapadadampot niya ang lola sa kabila ng kanyang edad.

Narito ang video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilalang batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' at ilan pang programa sa TV5.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Raffy Tulfo ang isang lola na nagagawang saktan ng sariling apo. Dinampot man ng mga awtoridad ang apo na gumagamit ng droga, nakuha pa ring maawa ng lola at inalala pa rin ang apo kung nasa maayos na kalagayan pa rin ba ito.

Read also

Mag-asawa na parehong may "mahal na iba", magkasama pa rin sa isang bahay

Hindi naman nalalayo sa kwento ng mag-amang Julie at Ayen ang isa pang dumulog sa programa ni Tulfo kung saan nagawang tagain ng anak ang walang kalaban-laban niyang ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel