Hiling ni Reymark Mariano na makapiling na muli ang ama, tinupad ng KMJS

Hiling ni Reymark Mariano na makapiling na muli ang ama, tinupad ng KMJS

- Mula nang mapanood sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ang buhay ng batang si Reymark Mariano ay inulan na ito ng tulong

- Natigil na rin ito sa pagsasaka gayung marami itong biyaya na natanggap na nagawa pa nilang maibahagi sa iba

- Maging ang kanyang ina ay nagawa na ring bumalik at humingi ng tawad sa pag-iwan niya kina Reymark

- Kaya naman ang hiling na lamang ngayon ni Reymark ay ang makasama ang pinakamamahal na ama na naisakatuparan naman muli ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang buhay ng sampung taong gulang na batang si Reymark Mariano na nag-aararo at nagsasaka na sa kabila ng kanyang murang edad.

Nalaman ng KAMI na dahil sa marami ang nakapanood sa kanya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay marami na rin ang nagpaabot ng tulong sa kanya.

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

Mula sa mga pagkain, grocery items, tulong pinansyal at maging bagong kabayo ay kanya rin na natanggap.

Hiling ni Reymark Mariano na makapiling na muli ang ama
Photo: Si Reymark Mariano at ang kanyang ama pati na rin ang dalawang kapatid at kanyang lolo (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Binalikan din siya ng kanyang ina na humingi ng tawad sa pag-iwan niya kina Reymark sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola.

Ngunit isa sa mga hiling din ni Reymark ay ang makapiling nang muli ang kanyang ama na nagtago dahil sa kanya umanong kaso.

Matatandaang emosyonal na naibahagi ni Reymark ang pagkasabik niya na makasama muli ang ama.

Aminado kasi siyang nahihirapan na sa pag-aararo kaya naman nais sana niyang makasama ang ama sa paggawa nito.

Tanda pa raw umano ni Reymark ang huling pagkikita ng ama kung saan nagawa pa nitong magbilin na tulungan ang kanyang lolo upang sila ay makakain.

Kaya naman sa part 3 ng kanyang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nagawa pa rin na tuparin ng programa ang kanyang hiling na makasama muli ang ama.

Read also

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling tindahan na rin

Masayang-masaya si Reymark sa pagbabalik ng kanyang tatay. Tiyak na magbabago raw talaga ang kanyang buhay gayung hindi na siya mag-aararo at kapiling pa niya ang pinakamamahal na tatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nagpaluha sa maraming netizens ang kwento ng 10 taong gulang na si Reymark Mariano na napanood sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami ang humanga sa kasipagan ni Reymark na nag-aararo at nagsasaka sa kabila ng kanyang murang edad kaya naman marami siyang natanggap na tulong.

Maging ang mga kababayan nating OFW ay nakalikom ng malaking halaga para lamang maibigay sa batang si Reymark na nararapat lamang na tulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel