Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling sari-sari store na rin

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling sari-sari store na rin

- Muli na namang nagpabilib sa marami ang dalagitang si Clara Matos matapos niyang ipasilip ang kanyang sari-sari store

- Matapos kasing ipatayo ang kanyang sariling bahay kasama ang kanyang ama, ay nilagyan din pala niya ito ng sari-sari store

- Marami ang humanga kay Clara sa ipinakikita niyang diskarte sa buhay lalo na at matagal nang nai-stroke ang ama

- Iniwan naman umano siya ng kanyang ina kaya naman sila na lamang ng kanyang ama ang magkasamang namumuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dalagitang si Clara Matos ang itsura na ngayon ng kanyang ipinatayong bahay.

Nalaman ng KAMI na nakalipat na ang nag-viral na dalagita sa tahanang ipinatayo niya para sa kanilang mag-ama.

Matatandaang si Clara ang natulungan ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyncares dahil sa kasipagan nito.

Read also

Dennis Padilla sa kanyang '2nd life': "Pati kay Marjorie, humingi ako ng tawad"

Nag-viral na 17-anyos na nakapagpatayo na ng bahay, may sariling sari-sari store na
Photo: Clara Matos
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa edad kasing 17, kung ano-anong raket ang kanyang pinasok tulad ng paglalako ng merienda at online selling ng mga beauty products para maitawid ang mga pangangailangan nilang mag-ama.

Iniwan na kasi sila ng kanyang ina kaya naman lumaki si Clara sa piling ng kanyang ama.

Sa kanyang sariling vlog, ipinasilip ni Clara ang itsura na ng kanyang ipinatayong bahay kung saan mayroon na rin pala itong sari-sari store bilang pandagdag kabuhayan nilang mag-ama.

Hindi pa man tapos ang kabuuan ng kanilang tahanan na kanya umanong papipinturahan, kahanga-hangang naipagawa niya ito dahil sa kanyang ipon at sa tulong na rin ng mga taong nagmalasakit sa kanya tulad ni Virgelyncares.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Si Clara Matos ay isang vlogger mula sa Bicol na unang nakilala dahil sa isa ring vlogger na si Virgelyncares na tumulong sa kanya. Sa ngayon, mayroon nang 75,000 subscribers si Clara sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang marami ang humanga sa kanya dahil sa pagpapatayo na niya ng bahay nilang mag-ama dahil lamang sa kanyang online business at paglalako ng merienda.

At dahil umabot sa 1.6 million ang views ng video ni Virgelyncares tungkol kay Clara, niregaluhan pa niya ito ng motorsiklo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel