Dennis Padilla sa kanyang '2nd life': "Pati kay Marjorie, humingi ako ng tawad"

Dennis Padilla sa kanyang '2nd life': "Pati kay Marjorie, humingi ako ng tawad"

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, idinetalye niya ang kanyang naging karansan sa pagiging isang COVID-19 survivor

- Itinuturing na niya ngayon itong pangalawang buhay sa hirap ng kanyang pinagdaanan sa pakikipaglaban sa naturang virus

- Dahil dito, marami umano siyang realizations sa buhay kabilang na ang paghingi ng tawad sa dati niyang pamilya

- Inamin niya na siya man ay may pagkukulang sa naging hiwalayan nila noon ni Marjorie Barretto na naipaliwanag na rin niya umano sa kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami umanong nagbago sa buhay ng aktor na si Dennis Padilla nang tamaan siya ng COVID-19 noong Marso.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inilahad ni Dennis ang kanyang pakikipaglaban sa naturang virus.

Nilarawan niya ito na napakahirap at talagang matinding dasal ang kanyang ginagawa sa loob ng 13 na araw niyang pamamalagi sa ospital.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Dennis Padilla, humingi ng tawad kina Marjorie Barretto at mga anak nang tamaan ng COVID-19
Photo: Dennis Padilla with Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa na rin sa sumagi sa kanyang isipan ay ang pagsusulat ng "last will and testament" na naipadala pa niya sa kanyang sekretarya at malapit na kaibigan sa takot na anumang oras ay maari na siyang nawala.

Napakarami rin umano niyang napagtanto sa pagkakaroon ng maituturing niyang ikalawang buhay na ipinagkaloob pa sa kanya.

Nabanggit niyang nakahingi na rin umano siya ng tawad kay Marjorie Barretto at sa kanilang mga anak kabilang na si Julia.

Inamin din mismo ni Dennis siya umano ang may kasalanan nang paghihiwalay nila noon at naipaliwanag na rin niya ito sa kanilang mga anak.

Laking pasalamat din daw niyang nagkaroon pa muli siya ng isa pang pamilya kung saan pinagkalooban pa muli siya ng dalawang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

Narito ang kabuuan ng panayam kay Dennis Padilla mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia, o kilala bilang si Dennis Padilla ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ng beteranong aktor na si Dencio Padilla. Siya rin ang ama ng kilalang aktres na si Julia Barretto.

Kamakailan, si Marjorie Barretto naman ang naglabas ng pahayag kaugnay sa estado ng relasyon ng kanyang mga anak kay Dennis.

Masaya umano sa unti-unting pagkakaayos ng kanyang mga anak sa kanilang ama tulad na lamang ng isang vlog na inilabas ni Julia Barretto kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel