Marjorie Barretto, masaya na umaayos na ang relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak nila

Marjorie Barretto, masaya na umaayos na ang relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak nila

- Kabilang sa napag-usapan nina Toni Gonzaga at Marjorie barretto sa isang episode ng Toni Talks ang tungkol sa dating asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla

- Ayon kay Marjorie, masaya siyang unti-unting naaayos ang relasyon ni Dennis sa mga anak nila

- Hindi niya umano inakala na darating ang araw na aamin si Dennis na may kasalanan din ito sa kanilang paghihiwalay

- Nilinaw din niyang hindi totoong siya ang pumipigil sa mga anak nila para makipag-ugnayan sa kanilang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinabi ni Marjorie Barretto na masaya siya na unti-unting naaayos ang relasyon ni Dennis Padilla sa kanilang mga anak. Ito ay matapos nga ang kontrobersiyal na madamdaming pag-uusap nila ni Julia Barretto sa isang vlog nito kamakailan.

Marjorie Barretto, masaya sa umaayos na relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak nila
Marjorie Barretto (@marjbarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Marjorie Barretto, walang masamang hangad kina Claudine at Gretchen

Ani Marjorie, sa tagal na nilang hiwalay ni Dennis, hindi sumagi sa isipan niyang darating ang araw na aamin si Dennis na may kasalanan din siya sa kanilang paghihiwalay.

“He and I have been separated for more than 14 years. I never thought the day would come that he would say na may kasalanan din siya sa breakdown ng marriage namin. He said na it was his temper, it was his anger,."

Aniya, sa pagkakatanda niya ay paulit-ulit niyang pinatawad si Dennis at dinamayan niya ito.

“I was with him for such a long time. I know I was a good wife. I know I was there in more downs than ups. I know that I forgave him over and over again, so I was wondering why he didn’t remember me as a good wife, or why wasn’t he spending that much time with his kids."

Taliwas umano sa mga iniisip ng marami na siya ang pumipigil sa kanilang mga anak, gusto ni Marjorie na maging maayos sila sa kanilang ama dahil ayaw niya umanong dalhin ng kanyang mga anak ang bigat kapag may kinikimkim na galit.

Read also

MJ Lastimosa, dumipensa kaugnay sa kanyang komento kay Miss Thailand

“People misjudged me, thinking na I was encouraging my kids not to have a good relationship with their father. As a matter of fact, even Dennis thought for a long time that I was the one preventing him from seeing my kids. No, eh. I want my kids to have peace with both parents kasi I don’t want them to harbor hatred kasi mabigat yun, lalo na kung magulang mo yung kaaway mo."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kilala ang Pamilyang Barretto sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay tinawag na "bayani" ni Dani Barretto si Marjorie. Sa isang video kung saan nagdiwang sila ng Mother's day, diretsahang tinanong ni Marjorie ang mga anak tungkol sa mga opinyon ng mga ito kung sakaling ikasal siyang muli.

Read also

Donnalyn Bartolome, binura ang video sa YouTube dahil sa mga kaibigang napikon

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel