Pedicab driver na masipag mag-comment sa post ng RTIA, nabiyayaan
- Sinuwerte ang isang "top fan" ni Raffy Tulfo matapos na na siya ang mapiling nabiyayaan ng ayuda
- Isa siyang pedicab driver sa Maynila na humihingi ng tulong para sa gatas ng kanyang apo
- Matumal daw kasi ang biyahe ngayon kaya lalong lumiit ang kanyang naiuuwi para sa kanyang pamilya
- Nabigyan siya ng perang pampagawa ng sarili niyang side car gayundin ang pang-grocery lalo na sa gatas ng kanyang apo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila nagbunga ang pagiging 'top fan' ng pedicab driver na si Bob Andrew nang siya ang mapili ng kanyang Idol Raffy Tulfo na mabigyan ng 'ayuda.'
Nalaman ng KAMI na mula sa Maynila ang pedicab driver na masipag magkomento sa mga post ng 'Raffy Tulfo in Action' Facebook page.
Sa mensaheng napansin ng programa, humihingi umano siya ng tulong sa kanyang 'Idol Raffy' para sa panggatas ng kanyana apo na mahigit isang taong gulang lamang.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Matumal daw kasi ang biyahe ngayon. Nasa Php150 hanggang Php200 lamang ang kanyang naiuuwi sa kanyang pamilya.
Talagang hindi ito sasaapat lalo na at may apo pa siyang pinaggagatas.
Hindi rin niya sarili ang pedicab kaya naman naglalaan pa siya ng isusulit sa may-ari.
Dahil dito, naisip ni Tulfo na bigyan ng sariling pedicab si Bob.
Kaya naman bukod sa ayudang Php10,000 na napanalunan niya sa programa, dinagdagan pa ito ni Tulfo para makapagpagawa na siya ng pedicab na nagkakahalagang Php15,000.
Nang bisitahin mismo siya ng staff ng RTIA, nalaman nito ang kalagayan ni Bob at sinamahan na rin nila itong kunina ang pedicab.
Nakapamili rin ng mga groceries si Bob lalo na ang gatas ng kanyang pinakamamahal na apo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh