Netizen, ibinahagi ang kanyang pagkabigla sa picture niya sa kanyang national ID

Netizen, ibinahagi ang kanyang pagkabigla sa picture niya sa kanyang national ID

- Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nakatanggap na ng kanyang National ID

- Ibinahagi niya ang picture ng kanyang ID at nagulat siya sa kanyang mukha doon dahil mukha umano siyang 55 anyos sa kanyang ID

- Dahil karamihan sa mga Pinoy ay wala pang National ID at nagsisimula pa lang sa registration, umani ng samu't-saring reaksiyon ang kanyang post

- Ibinahagi din niya kung paano siya nakakuha ng National ID matapos umano siyang makatanggap ng maraming katanungan mula sa mga netizens na nakakita ng kanyang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maipagkakailang isa sa suliranin ng maraming Pilipino ay kakulangan ng valid ID. Kaya naman, nang maaprubahan ang pagpapatupad ng National ID system, marami ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makakuha ng nasabing ID.

Netizen, ibinahagi ang kanyang pagkabigla sa picture niya sa kanyang national ID
Manelyn Barredo Biarcal
Source: Facebook

Ibinahagi ni Facebook user na si Manelyn Barredo Biarcal ang kanyang natanggap na National ID at ikinagulat niya ang picture niya sa nasabing ID dahil mukha umano siyang 55 taong gulang.

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inumpasahan na sa ilang piling lugar ang pagpaparehistro para dito noong nakaraang taon pa. Matapos nga mag-viral ang post niya, minabuti ni Biarcal na ipaliwanag kung paano siya nagkaroon ng kanyang National ID.

Last year po, May nag HOUSE to HOUSE CENSUS po samin.. Tapos binigyan kami ng papel patunay na naka 1st step napo kami. Yun din po dadalhin namin para sa 2nd step. Tapos Naghintay nlng kami ng announcement para sa 2nd interview. 2nd po, NAG ANNOUNCED LANG PO LGU namin (thru FACEBOOK PAGE) Kung kailan at saan ang venue ng interview para sa 2nd step. After ma announced at after ma 2nd interview namin. Nag hintay nalang kami kung kelan pwedeng makuha ang mga ID's namin. Di ko po alam anong way ng ibang LGU's para sa National ID bsta kami dito nag bahay bahay muna sila bago kami nag proceed sa 2nd step.

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o tinatawag ding Pambansang Pagkakakilanlan ang opisyal na National ID card para sa mga Pilipino.

Layon nitong mapadali ang mga transaksiyon mapa-pribado man o sa gobyerno.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang Setyembre ng taong 2019 unang nagsimula ang pagpapatala para sa national ID. Hindi umano ito mandatory ngunit hinihikayat ng PSA na magparehistro ang lahat ng mga Pinoy.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate