Hindi mandatory pero kinakailangan! Pinoy hinihikayat ng PSA na magrehistro para sa National ID

Hindi mandatory pero kinakailangan! Pinoy hinihikayat ng PSA na magrehistro para sa National ID

- Saad pa sa mga pangunahing balita ay ang tungkol sa National ID System na ang mga Pinoy ay dapat magparehistro kahit hindi mandatory umano

- Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay sinabi umano na ang lahat ng mga Pilipino ay hindi naman daw obliged para magparehistro

- Gayunpaman, binabalaan daw sa mahirap na pagdadadaanan na mga proseso sa iba't ibang transaksyon sa government o private sectors man

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa headline ng balita ng GMA News, ang Philippine Statistics Authority o PSA ay diumano'y sinabi noong Miyerkules, August 8, 2018, na magrehistro para sa National ID system para maiwasan ang kahit anong mga abala sa mga transaksyon.

Ani ng pamunuan ng PSA, hindi naman daw iniobliga ang Pilipino na magrehistro sa ilalim na inaprubahan na national ID system kamakailan lang.

Pero nagbigay ng babala ang pamunuan sa mga abala sa transaksyon sa mga government o business sectors sa mga Pinoy na hindi magdedesisyon na maging parte sa baong sistema, ayon pa sa napag-alaman ng KAMI.

Ayon pa kay Lisa Grace Bersales, National Statiscian, sa press briefing sa Malacañang:

“Hindi explicit sa law na mandatory ito. No one will be forced to enroll in the National ID System."

Dagdag pa sa balita, ang pag-aapply daw sa national ID system ay hindi naman talaga required pero ang mga Pinoy na wala daw mga card ay baka haharap sa mahirap na transaksyon sa gobyerno.

Sabi ni Bersales:

“They will have difficulty in doing business with government and the other private sector eventually, because the requirement for doing business will be the national ID."

Sa nasabing balita ay pinag-usapan rin umano ang "privacy issues" at "data security concerns" na mga questions na pinasa ng mga taong nag-o-oppose sa national ID system umano.

Ayon naman kay Bersales, ang provision ng naturang batas ang nagproprotekta umano sa indibidwal na data ng mga cardholders.

Ani niya:

“Very explicit in the law is only two situations to share information. One, if the citizen says, ‘Okay, PSA, you may share the information with this, this, this’."

Dugtong pa niya:

“It should be an explicit agreement by the citizen that this information from me will be shared with another institution. Or, because of health and security concerns, with the order of the court. So only if the citizen says yes, or the court says yes."

Ang mga Pinoy daw ay mapipilitang magprehistro sa ilalim ng national ID system kahit hindi ito mandatory.

Pagtatapos pa umano ni Bersales:

“I believe that everyone will be compelled to be part of the PhilSys. Number one, because they will be assured that we will follow what the law says."

Unang binalita namin dito ang tungkol sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National ID System.

At ang mga nakapaloob sa nasabing card.

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check out the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel