Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

- Ibinahagi ni Ogie ang pinagdaanan na kanyang pamilya para lamang mabuhay ang kanyang bunsong anak na si Meerah Kehl

- Umabot sa ₱4 Million ang kanyang nagastos sa anak na nailabas ng kulang sa buwan

- Ngunit sa kabila ng malaking gastusin, nagawa pa rin nitong tumulong sa dalawang sanggol na nakasabay ng anak niya sa NICU

- Aniya, hindi nangangahulugang dumadaan sila noon sa isang pagsubok ay hindi na sila magiging instrumento sa pagtulong sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga naikuwento ni Ogie Diaz sa panayam sa kanya ng Hashtag member na si Kid Yambao ang tungkol sa kanyang miracle baby.

Nalaman ng KAMI na talagang gumastos ng Php4 million si Ogie maisalba lamang ang buhay ng noo'y 26 weeks pa lamang na si "Meerah Kehl."

Umabot ito ng apat na buwan sa Neonatal intensive Care Unit (NICU) kaya naman lumobo nang husto ang gastusin nila sa ospital.

Read also

Hashtag Kid Yambao, buong-tapang na inamin ang tungkol sa dating bisyo; "Praning na ako"

Sa kabila ng ₱4 Million na ginastos: Ogie Diaz, tumulong pa rin sa nakasabay ng anak sa ICU
Si Ogie Diaz kasama ang kanyang bunso na si Meerah (Photo from Ogie Diaz)
Source: Facebook

Pumapalo kasi sa Php30,000 kada araw ang binabayaran noon ni Ogie ngunit buong tapang niya itong kinaya at hindi siya nanghingi ng tulong kaninoman dahil sa kanya umanong naipong pera.

Bukod dito, naisipan pa niyang tulungan ang dalawang sanggol na kasama noon ng kanyang anak sa NICU.

"Kahit gumagastos ako sa anak ko, I still can afford to help the two babies. Hindi porke meron kang problema, hindi ka na magiging instrumento para makatulong sa iba"

Sinasabi ni Ogie na ang kabutihan din nilang ito ang tila nakapagpalakas kay Baby Meerah Kehl na ngayo'y apat na taong gulang na.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa YouTube Channel ni Kid Yambao:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz ay isang comedian at talent manager. Isa na rin siya ngayon sa mga itinuturing na mahuhusay na content creator sa bansa sa kanyang YouTube Channel na 'Ogie Diaz' kung saan mayroon na siyang 2.03 million subscribers.

Read also

Kris Aquino, nagpahanda ng mga awiting alay kay PNoy na mahilig sa musika

Naging panauhin din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel si Kid Yambao kung saan matitinding rebelasyon tungkol sa kanyang pagkatao ang kanyang naibahagi.

Kamakailan ay nakapanayam din ni Ogie sa kanyang YouTube channel sina Joey Marquez at Vice Ganda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel