Vice Ganda, inaming bumalik ang karamdaman; "Physically, I am not ok na naman"

Vice Ganda, inaming bumalik ang karamdaman; "Physically, I am not ok na naman"

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Vice Ganda, naikwento ng komedyante ang kanyang iniindang sakit

- Naibahagi nito na bumabalik na naman ang sakit sa bato na dati niyang dinanas at talaga umanong nahirapan siya

- Agad naman niya itong pinatingin sa doktor at sinabing kinakailangan niya ng palagiang test upang maagapan

- Sa ngayon, nag-gagamot si Vice para sa kanyang karamdaman habang patuloy pa rin ang pagpapasaya niya sa 'madlang pipol'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa masayang chikahan nina Vice Ganda at Ogie Diaz, nabanggit ng 'Unkabogable Phenomenal Star' na bumabalik na naman ang kanyang dati nang karamdaman.

Nalaman ng KAMI na isa sa kanilang napag-usapan ng dati niyang manager na ngayon ay kanyang malapit pa rin na kaibigan na si Ogie Diaz ay ang tungkol sa pagtanda at ang mga sakit at karamdamang kaakibat nito.

Read also

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

Vice Ganda, inaming bumalik ang karamdaman; "Physically, I am not ok na naman"
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nabanggit niya ang naranasan kamakailan kung saan nakaramdam siya ng sakit sa kanyang pag-ihi. Aminadong bahagya siyang naiyak sa sobrang sakit na naramdaman.

Agad niya itong pinatingin sa doktor at doon niyang nalamang bumabalik na naman ang kanyang sakit sa bato.

"So pina-test ko 'yung urine ko... 'yun nga may crystals na naman ako, nagpo-form na naman ako ng crystals."

Nagtaka rin si Vice kung bakit muli niya itong nararanasan gayung panay na raw ang inom niya ng tubig at hindi umano siya mahihilig sa maaalat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ipinaliwanag sa kanya ng doktor na 'stone former' o 'crystal former' talaga si Vice kaya pinayuhan siyang laging magpa-check up upang maagapan ang kanyang kalagayan.

"So ngayon, naggagamot na naman ako. Physically, I am not ok na naman"

Aminado rin siyang ayaw na niyang danasin muli ang sakit dulot ng kanyang karamdaman.

Read also

Ivana Alawi, minsan ding nawalan ng trabaho; "Wala akong naging raket kasi pangit ako"

"'Yung takot na, naku ayoko nang magkasakit ulit sa bato kasi sobrang sakit 'nun. 'Pag umatake yung sakit sa bato sobrang sakit excruciating 'yung pain."

Subalit sa kabila ng karamdaman, pinipilit ni Vice na magpakatatag subalit dumarating umano sa puntong hindi na niya kinakaya.

"Kahit sa showtime, sinasabi ko 'di ko na kaya, patulong! sa mga co-host kahit sa zoom meeting kami, e hindi ko na kaya, pasapo naman ng ganito"

"Hindi lahat kaya ko, and I acknowledge that!" ang buong tapang na pahayag ni Vice.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Vice, naikwento nito na maging siya ay naaapektuhan din ng mga nagaganap dahil sa pandemya. Isiniwalat niyang madalas siyang umiyak kamakailan.

Read also

Rico Blanco, napakilig ang netizens sa bagong post kasama ang GF na si Maris Racal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga naibahagi niya ang saya ng kanyang 'love life' ngayon kasama ang kasintahang si Ion Perez. Nabanggit din niya ang mga bagay na kanyang isinakripisyo dahil ayon sa kanya si Ion lang ay 'sapat' na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel