Kris Aquino, nagpahanda ng mga awiting alay kay PNoy na mahilig sa musika
- Si Kris Aquino ang punong-abala sa mga naging kaganapan sa memorial service para sa yumaong kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino
- Naikwento ni Kris ang hilig umano ng yumaong kapatid sa musika
- Nabanggit din ito ng isa sa mga pamangkin ni PNoy na si Jiggy Cruz na nabilhan pa ang tiyo ng hinahanap nitong music magazine
- Maging ang cousin-in-law niyang si Didi Lopa ay ibinahagi rin ang mga cassette tape na bigay umano sa kanya ng pumanaw na Pangulo ng Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napuno ng magagandang awitin ang memorial service para kay dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Nalaman ng KAMI na ang kanya mismong kapatid na si Kris Aquino ang naging punong-abala sa mga non-religious songs na aawitin para kay PNoy.
Kwento ni Kris, mahilig sa musika ang yumaong Pangulo kaya mahalaga rin magawa niyang espesyal ang mga kantang iaalay sa huling gabi ng kapatid.
"Noy loves music so much. That's why this is very important to me to be able to do this for my brother"
Sa panayam din sa pamangkin ni PNoy na si Jiggy Cruz, matatandaang nabanggit din nito ang hilig ng kanyang tiyo sa musika.
Katunayan, isa sa mga naging huling usapan nila sa text ay nang bigyan niya ito ng music magazine na hindi basta mabibili sa Pilipinas.
Nagpasalamat daw ito sa kanya at nagbiro pa kung magkano raw ang kanyang utang sa pamangkin sa pagbili ng paboritong music magazine.
Samantala, maging ang cousin-in-law ng yumaong Presidente ay nagbahagi rin ng pasasalamat niya kay PNoy na nagbigay sa kanya ng sandamakmak na cassette tapes na naglalaman ng iba't-ibang mga pina-record nitong awitin.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Kris Aquino na ibinahagi ng Radyo Pilipinas at ng Rappler:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh