Pamangkin ni PNoy, ibinahagi ang huling palitan nila ng text message ng tiyuhin
- Ibinahagi ng isa sa mga pamangkin ng pumanaw na dating Pangulong Noynoy Aquino ang huling palitan nila ng text message ng kanyang tiyuhin
- Ang huling palitan nila ng text message ay naganap isang linggo pa lamang ang nakakalipas
- Makikita sa nasabing mensahe ang paalala ng dating pangulo sa pamangkin na huwag na ito pumunta sa ospital dahil malaki na ang naitutulong nito
- Ibinahagi din ng pamangkin ng dating pangulo na si Miguel Abellada ang naging papel ng kanyang Tito Noy sa kanyang buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi man makapaniwala, kahit papaano ay nakakagaan sa loob ng pamangkin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Miguel Abellada na hindi na nahihirapan at nasasaktan ang kanyang Tito Noy.
Sa isang Instagram post ay ibinahagi nito ang huling naging palitan nila ng mensahe ng kanyang tito. Ayon sa kanya, kahit hanggang sa mga huling bahagi ng buhay ng kanyang tito ay ganun pa rin ito.
Makikita sa nasabing screenshot ang paalala ni PNoy sa pamangkin niya na huwag nang pumunta sa ospital, malaki na umano ang naitutulong nito.
Ibinahagi din ng pamangkin ng dating pangulo na si Miguel Abellada ang naging papel ng kanyang Tito Noy sa kanyang buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si PNoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Samantala, nitong araw ng Sabado, June 26, 2021 ng hapon, naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng yumaong pangulo.
Maging ang kanyang aso ay naroroon din sa libing ni PNoy. Marami ang naantig sa emosyonal na pamamaalam ni Kris Aquino sa kanyang kuya nang siya mismo ang nagpasok ng abo nito sa huling himlayan ni PNoy sa tabi ng kanilang mga magulang.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh