Boy Abunda, ibinida ang 'framed article' na magsisilbing alaala sa kanya ni PNoy

Boy Abunda, ibinida ang 'framed article' na magsisilbing alaala sa kanya ni PNoy

- Isa si Boy Abunda sa mga nagluluksa sa pagkamatay ng dating Pangulo Noynoy Aquino

- Masasabing naging malapit ito sa kanya dahil na rin sa kapatid nitong si Kris Aquino

- Naikwento rin nito ang pagiging bahagi niya ng talumpati ni PNoy nang ipahayag pa lamang nito ang desisyon niya na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas

- Ipinakita rin ni Abunda ang 'framed article' mula sa Manila Bulletin tingkol sa pagpapahayag na ito ni PNoy kung saan napa-pirmahan pa niya ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalikan ni Boy Abunda ang mga mahahalagang pangyayari kung saan naging bahagi siya ng buhay ng pumanaw na pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Nalaman ng KAMI na tila naging malapit din ito sa dating Pangulo dahil na rin sa kapatid nitong si Kris Aquino.

Sa YouTube channel ni Abunda, inalala niya ang makasaysayang pagkakataon kung saan tumulong siya sa pagbuo ng talumpati ni PNoy sa pagpapahayag pa lamang niya noon ng desisyong tumakbo sa pagka-Pangulo ng bansa.

Read also

Pangulong Noynoy Aquino, pinakamalapit kay Josh ayon sa isa pa niyang pamangkin

Boy Abunda, ipinakita ang 'framed article' na magsisilbing alaala sa kanya ni PNoy
Former President Noynoy Aquino with sister Kris Aquino and his nephews Bimby and Josh (@krisquino)
Source: Instagram

Ibinida rin ni Abunda ang 'framed article' ng Manila Bulletin ukol sa proklamasyon na ito ni Aquino na masasabing bahagi na ng kasaysayan ngayon.

Nagawa pa niya itong mapa-pirmahan kay PNoy at sinulat nitong "Dear Boy, the dream is possible because of people like you."

Ayon din sa "King of Talk" isa siya sa mga nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng dating Pangulo at ipinaaabot din niya ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya nito. Inihayag din niya ang pasasalamat kay PNoy.

“Thank you Noy, for all that you are and for all the things you did for this country and for others"
"Kasama ko po ang aking buong pamilya, nais ko pong sabihin na maraming salamat. At Noy, paalam”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Read also

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica