Driver ni PNoy, nilarawan ang mga huling sandali ng dating Pangulo; “Ma-mi-miss ko si Sir"

Driver ni PNoy, nilarawan ang mga huling sandali ng dating Pangulo; “Ma-mi-miss ko si Sir"

- Idinetalye ng longtime driver ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga huling kaganapan bago ito namaalam

- Kung paano raw nila ito iniwan noong gabi, halos ganoon din ang posisyon nito nang madatnan nila ito

- Ilang dialysis ang hindi nito nagawa dahil nanghihina umano ito noong mga nagdaang araw

- Nakapagsabi pa ito ng gusto niyang almusal para sa umaga ng Hunyo 24 kung kailan natagpuan na siyang hindi gumagalaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na idinetalye ng longtime driver ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang mga huling sandali nito bago bawian ng buhay noong Hunyo 24.

Nalaman ng KAMI na mula 1977, kung saan kolehiyo pa lamang si "PNoy", kasa-kasama na niya ang driver na si Nory Mariano.

Sa panayam ni Bum Tenorio Jr. ng Philippine Star kay Mariano, sinabi nitong nanghihina ang katawan ni PNoy ilang araw bago ito pumanaw.

Read also

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

Driver ni PNoy, nilarawan ang mga huling sandali ng dating Pangulo; “Ma-mi-miss ko si Sir"
Photo: Former President Noynoy Aquino with sister Kris Aquino and nephews Bimby and Josh (@krisquino)
Source: Instagram

Hunyo 21, nakatakda sana itong mag-dialysis ngunit hindi raw nito kaya dahil nanghihina pa siya.

Nang tinanong niya muli ito noong Hunyo 23, hindi pa rin kaya ng dating Pangulo na umiinda pa rin ng panghihina ng pangangatawan.

Sa gabi ng Hunyo 23, nakapagsabi pa raw ito kay Yolly Yebes, ang kanyang longtime aid ng nais niyang almusal.

Ngunit kinabukasan, Hunyo 24, bandang alas sais ng umaga, si Yebes din ang nakapansin na tila hindi na gumagalaw ang dating Pangulo.

Agad nitong tinawag si Mariano, at nakita ng driver na tila hindi na nga gumagalaw si PNoy.

Nadala pa ng ambulansya ang dating Pangulong Aquino sa Capitol Medical Center. Subalit pagdating nila roon bandang 6:30 ng umaga, idineklara na itong patay. Ang dahilan, renal disease secondary to diabetes.

“Namatay siya sa pagkakahimbing,” naluluhang nasambit ni Mariano.

Hindi rin 'nag-buzzer' ang dating Pangulo sa magdamag na madalas niyang gawin kung may nais siyang ipakuha tulad ng pagkain o ipagawa sa dalawang guard na nasa labas lamang ng kanyang kwarto.

Read also

Renal disease, sanhi ng pagkamatay ni Pangulong Noynoy Aquino

Ibinahagi ng CNN Philippines ang kabuuang pahayag ng pamilya Aquino, ilang oras matapos na makumpirma ang pagpanaw ng dating Pangulo.

Sa homily ng pari na si Fr. Jose Ramon Villarin SJ sa misang alay sa yumaong pangulo, nasabi nitong pumanaw si PNoy na 'brokenhearted.'

Ayon sa Inquirer, pinaniniwalaan ng pari na ang 'broken heart' na hindi umano kayang magamot ng mga doktor ay ang umano'y "disappointment" ni PNoy matapos ang kanyang termino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Read also

Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay

Isa na rito si Gary Valenciano na ikinuwento sa kanyang social media post ang una at tanging pagkakataon na nakausap niya ang dating Pangulo na nagpasalamat sa kanya sa pagiging bahagi ng Music Industry ng Pilipinas na nagpasigla sa APEC concluding night noong 2015.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica