Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

- Nagpakilig sa maraming netizens ang love story nina Rain at Jolo na nagkahiraman lang ng 'tabo' ay nabuo na ang pagtitinginan sa isa't isa

- At nito lamang Hunyo 16, natuloy pa sa kasalan ang kanyang kwentong pag-ibig

- Nabiyayaan na sila ng dalawang supling at kasalukuyang buntis ang misis sa ikatlo nilang anak

- Dahil sa pandemya, civil wedding muna ang kanilang naisakatuparan habang nag-iipon sila sa church wedding sa 2023

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng mga netizens ang simpleng post ni Jolo Sudario Argales patungkol sa love story ng kanya na ngayong misis na si Rain Capuyan Argales.

Nagsimula lamang umano ang lahat sa panghihiram ng tabo ni Rain kina Jolo.

"Nanhuram la hin kabu yana asawa ko na," (Nanghiram lang yan ng tabo sa amin, ngayon asawa ko na) caption ni Jolo sa kanya na ngayong viral post.

Read also

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi na sa kasalan, nagpakilig sa netizens
Photo: water container at dipper/ tabo (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Kwento ng dalawa sa panayam sa kanila ng Manila Bulletin, nagtatrabaho na noon si Rain sa isang call center habang si Jolo naman ay sa isang restaurant.

Naintriga lamang si Rain noon sa sinasabi ng kanyang roommate na gwapong pinsan ni Jolo na nais niyang makita kaya naisipan niyang manghiram sa mga ito ng tabo.

Mula noon, naging kaibigan na ni Rain si Jolo na tinutukso naman sa kanya ng kanyang roommate.

Hindi nagtagal, ang pagkakaibigan ay nauwi na sa pagiging magkasintahan ng dalawa.

At noon nang Hunyo 16, natuloy na nga sa kasalan ang pag-iibigan ng dalawa.

Nabiyayaan na rin sila ng dalawang supling habang ipinagbubuntis ni rain ang pangatlo nilang anak ni Jolo.

Pinaghahandaan na rin nila ang church wedding nila na inaasahang maisasakatuparan nila sa 2023.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

Kamakailan ay nag-viral din ang isang groom sa Indonesia kung saan muntik na umano itong maikasal sa ibang bride dahil sa maling direksyon na ibinigay gamit ang GPS.

Sa Pilipinas naman, hinangaan naman ang bride at groom na hindi na nagdalawang-isip na lumusong sa rumaragasang tubig upang makatawid at makarating sa venue ng kanilang kasal.

Dahil dito, maging ang mga bisita ay nakitawid na rin matuloy lamang ang pag-iisang dibdib ng mga ikakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica