Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay

Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay

- Mabilis na nag-viral ang jeepney driver sa Cavite na inatake sa puso habang nagmamaneho

- Sa kasamaang palad, idineklarang 'dead on arrival' ito sa ospital gayung binawian na ito ng buhay patrol vehicle na rumesponde sa kanya

- Ngunit bago raw ito tuluyang mawalan ng malay, inisip pa rin niya ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero

- Kwento ng kanyang anak, may kondisyon umano ang ama sa puso na dapat sana'y maoperahan ngunit pinili pa rin nitong maghanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang biglaang pagpanaw ng isang jeepney driver na inatake sa puso habang nagmamaneho.

Nalaman ng KAMI na bago ito tuluyang mawalan ng malay, inisip pa rin niya ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero at naitabi pa nito ang sasakyan.

Ayon sa viral post ng Cavite Today, narinig ng isang pasahero ang huling sinabi ng drver na "Hindi ko na kaya!" saka itinabi ang minamanehong jeepney.

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

Namayapang jeepney driver, inisip pa rin ang mga pasahero bago mawalan ng malay
Minamanehong sasakyan ni Tatay Pepe (Photo from Cavite Today)
Source: Facebook

Agad namang tumulong ang iba pang mga jeepney driver na nakita ang sitwasyon.

Naisakay pa ito sa patrol vehicle ng barangay na rumesponde sa inatakeng driver para sana madala pa ito sa ospital ngunit binawian na rin ito ng buhay.

Kasalukuyan nang nakaburol ang tsuper na nakilalang si Pepe Rollon sa Barangay Palumlum Alfonso, Cavite.

Kwento naman ng kanyang anak na si Kathleen Paula, na-confine ang ama niya at dapat sanang ma-operahan na ito sa puso.

Subalit dahil sa kakulangan ng salapi para sa operasyon, mas pinili raw nitong mamasada muli na siyang ipinangtutustos ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa ating mga kababayang jeepney driver na halos ngayon lamang taon nakabawi muli sa pamamasada buhat ng mag-pandemya.

Tulad ni Tatay Pepe, minabuti nilang magbalik pa rin sa hanapbuhay nilang kinagawian na siyang bumubuhay sa kanilang mga pamilya.

Read also

Nag-viral na ama sa jeep, hiling ang kalakasan para maalagaan pa rin ang anak na PWD

Ang ilan, dumanas pa noon ng pagkakakulong dahil lamang sa pag-aakalang nagwewelga ito sa tigil pasada ng mga driver gayung nanghihingi lamang sila umano ng limos dahil wala na silang kinikita.

Mayroon din namang hindi na nakabalik pa sa pagmamaneho at pinagpatuloy na lamang ang 'pagkakalog' o pamamalimos dala na rin ng kanilang edad ngunit kailangan pa rin nilang may kitain para sa pangkain nila sa araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica