Gary V, inalala ang una at huling usapan nila ng pumanaw na dating Pangulong Noynoy Aquino
- Sa pagpanaw ni Dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, inalala ni Gary Valenciano ang minsan nilang pagkikita noong 2015
- Ito ay noong APEC concluding night kung saan isa si Gary V sa mga nagtanghal
- Humanga si Gary dahil sa napansin niyang pagpapakumbaba ni "PNoy"
- Nagkaroon din sila ng pagkakataong mapag-usapan ang Pinoy music scene at pinasalamatan siya nito sa pagiging bahagi ng matagumpay na pagtatanghal sa malaking event na iyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ni "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano ang pagkakataong nakausap niya ang pumanaw na Dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino III.
Nalaman ng KAMI na naganap ito noong 2015 sa APEC concluding night kung saan isa si Gary V sa mga nagtanghal.
Nakita ni Gary na mag-isang nakatayo ang dating Pangulo habang ang kanyang team ay nag-e-enjoy sa mga pagtatanghal nang gabing iyon.
Doon na siya sinunggaban ang pagkakataong malapitan ang Pangulo na nagpasalamat sa kanya bilang bahagi ng Musikang Pilipino buong pusong nagtanghal sa harap ng iba pang mga lider sa iba't ibang panig ng Asya.
"He however was so proud of the feedback he got from the foreign leaders that unanimously said that the Philippines’ presentation had so much heart."
"This is what mattered to him. This is what he wanted fellow world leaders to see, to hear, and experience; the heart of the Filipino through arts and music, and then he thanked me for being a part of it."
Dahil dito, nag-alay din ng pasasalamat si Gary sa dating pangulo at hindi raw niya ito malilimutan kailanman.
"That was my one and only solo moment with this man. I will never forget you sir. And now please allow me to say with all my heart…thank you"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa si Gary Valenciano sa mga nagpaabot ng taos-pusong nagpasalamat kay dating Pangulong Noynoy Aquino na pumanaw sa edad na 61 ngayong Hunyo 24 ng umaga.
Sumailalim pa sa heart surgery ang dating Pangulo kamakailan at muling naisugod sa ospital bago tuluyang bawian ng buhay.
Agad namang namataan ang pagpunta ng kanyang mga kapatid na kinabibilangan ni Kris Aquino. Maging ang pamangkin ni Pnoy na si Josh ay agad ding nakarating na sa ancestral house ng mga Aquino sa Quezon City.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh