Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

- Ibinahagi ni Yam Concepcion ang tungkol sa kanyang engagement sa kanyang longtime boyfriend

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang ilang pictures na kuha noong nag-propose si Miguel Cuunjieng

- Base naman sa nilagay na petsa ni Yam, mukhang taong 2018 pa naganap ang proposal na ito ni Miguel sa kanya

- Bumuhos naman ang pagbati sa magkasintahan na anim na taon nang magkarelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Yam Concepcion ang ilang pictures ng pag-propose ng kanyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng sa kanya. Gayunpaman, tila 2018 pa naganap ang nasabing engagement base na rin sa nakalagay na petsa sa kanyang IG post.

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng
Photo from Yam Concepcion (yamconcepcion)
Source: Instagram

Nakalagay sa caption ng kanyang post ang petsang 12.31.18 11:59pm. Tila naganap ito noong bagong Taon noong 2019. Bukod sa todong ngiti nilang dalawa, makikita sin ang mga paper cranes na nakasabit.

Read also

Kiray Celis, makakasama sa vlog ang dating inuugnay sa kanyang si Kirst Viray

Kaya naman, sey ni Yam sa caption: "A thousand cranes YES @mrcuu"

Kasalukuyang magkasama ang magkasintahan matapos nga magbakasyon si Yam kamakailan. Maraming beses na naging LDR ang dalawa ngunit tumagal ang kanilang relasyon at kasalukuyang nasa kanilang ika-anim na taon.

Bumuhos naman ang pagbati para sa kanila mula sa mga ibang kasamahan ni Yam sa showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Inalmahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Read also

Niña Jose, hinangaan sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel