Kiray Celis, makakasama sa vlog ang dating inuugnay sa kanyang si Kirst Viray

Kiray Celis, makakasama sa vlog ang dating inuugnay sa kanyang si Kirst Viray

- Maram ang naintriga sa ibinahaging Instagram post ni Kiray Celis ngayong araw

- Kasama niya ang dating naiugnay sa kanya na si Kirst Viray at makakasama niya umano ito sa kanyang vlog

- Hindi mapigilang magtanong ng kanyang mga followers kung nagkahiwalay ba sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia

- Matatandaang nilinaw noon nina Kiray at Kirts na hindi sila magkarelasyon at sadyang malapit lang sila sa isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ibahagi ni Kiray Celis ang isang Instagram post kung saan kasama niya ang dating naiuugnay sa kanyang si Kirst Viray, marami ang napatanong kung nagkahiwalay ba sila ng boyfriend niyang si Stephan Estopia.

Kiray Celis, makakasama sa vlog ang dating naiugnay sa kanyang si Kirst Viray
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walang pang naging paglilinaw si Kiray hinggil sa mga spekulasyon na nagkahiwalay na sila ng kanyang boyfriend. Gayunpaman, aniya ay dapat abangan ng kanyang mga followers ang vlog nila ni Kirst.

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Matatandaang parehas na itinaggi nina Kirst at Kiray ang usap-usapan na sila ay may relasyon. Sa isang panayam ay nilinaw ni Kirst na sadyang naging malapit lang sila ni Kiray matapos nilang magkasama sa mga out-of-town shows nila noon.

Sa isang panayam ay sinabi ni Kiray na bukas siyang makatrabaho uli si Kirst sakaling may dumating na pagkakataon.

“Tapos na yung blog namin. Actually tinapos ko na yung kontrata namin sa blog tapos hindi na ako nagtrabaho sa kanya. Tinapos ko hindi para sa boyfriend kundi para sa kontrata namin and kung magkaka-work din naman kami ulit why not?

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

Karen Davila, binisita si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang mansyon

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa nya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel