Kiray Celis, sinorpresa ng PS5 ang kanyang kapatid para sa kaarawan nito

Kiray Celis, sinorpresa ng PS5 ang kanyang kapatid para sa kaarawan nito

- Matapos mamalagi sa shooting location ng ilang linggo, masaya si Kiray Celis na muli niyang kapiling ang kanyang pamilya

- Para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang kapatid na mas nakababata sa kanya, nagdaos sila ng munting salu-salo

- Dito, 16 na cake na maliliit ang isa-isang binigay ng mga kaibigan at kapamilya nila at nagbigay ng kanilang kahilingan para sa kapatid ni Kiray

- Sinorpresa ng aktres ng PS5 ang kanyang kapatid at hindi maitago sa mukha nito ang labis na galak sa kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lang mapagmahal sa kanyang mga magulang si Kiray. Pinatunayan din nito kung gaano niya pinapahalagahan ang kanyang kapatid.

Kaya naman, para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang nakababatang kapatid, naghanda ng sorpresa ang aktres.

Kiray Celis, sinorpresa ng PS5 ang kanyang kapatid para sa kaarawan nito
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW sa Kuwait, humingi na ng saklolo sa tindi ng sinapit niya sa kanyang amo

Matapos ang kanilang salu-salo na dinaluhan ng piling malalapit na kaibigan at kapamilya nila ang idinaos.

Labing-anim na cake din ang binigay isa-isa ng mga taong dumalo kasabay ng kanilang pagbati at kahilingan para sa kapatid ni Kiray.

Pinakahuling ibinigay ni Kiray ang kahon na nakabalot at naglalaman ng PS5. Aniya, kung anuman ang kanyang natatanggap at tinatamasa, nais niyang maranasan din iyon ng kanyang kapatid.

Hindi naman maikubli ng kapatid ng aktres ang kanyang kasiyahan sa sorpresang inihanda ni Kiray para sa kanyang kaarawan.

Narito ang mga reaksiyon ng kanyang mga tagahanga:

Generous & loving sister. You are blessed because you have & will always be a blessing to your family & everyone who is close to your heart...God bless you more...sa career & lovelife...
Kahit small ka, you have a big heart for everyone.
Grabe napakabait mo na anak at kapatid kaya naman ang dami mong blessings na natatanggap...

Read also

Arjo Atayde, nagbahagi ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kapatid na si Ria Atayde

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa naunang vlog ni Kiray ay ibinahagi niya ang kwento kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Stephan Etopia.

Kamakailan lang ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel