Heaven Peralejo, minabuting limitahan ang makakapagkomento sa kanyang Instagram

Heaven Peralejo, minabuting limitahan ang makakapagkomento sa kanyang Instagram

- Matapos lumabas at kumalat ang mga larawan na sinasabing sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada, kapansin-pansin ang setting ng Instagram comment section ni Heaven

- Limitado na lamang ang mga taong nakakapag-iwan ng komento sa kanyang mga Instagram post

- Gayunpaman, wala pang inilalabas na statement ang kampo ng aktres o di kaya'y sa panig ni Jake kaugnay sa lumabas na mga litrato na nag-uugnay sa dalawa

- Matatandaang nauna nang pinabulaanan ni Heaven ang pagkakaugnay sa kanya sa aktor na hiwalay na sa dating kasintahang si Devon Seron

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ng aktres na si Heaven Peralejo na limitahan ang mga taong maaring mag-iwan ng komento sa kanyang Instagram post. Ito ay matapos lumabas at kumalat ang mga litratong sinasabing kuha sa Boracay at sinasabing magkasama sila ng aktor na si Kiko Estrada.

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

Heaven Peralejo, minabuting limitahan ang makakapagkomento sa kanyang Instagram
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Heaven nang maghiwalay sina Kiko at dati nitong kasintahang si Devon Seron.

Kasunod nito ay pinabulaanan ng kampo ni Heaven na may kinalaman siya sa paghihiwalay ng dalawa. Maging ang ina ni Heaven ay umalma sa umano'y pandadawit sa kanyang anak.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na statement si Heaven o maging si Kiko kaugnay sa kontrobersiyang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Read also

Lalaking may stage 5 Chronic Kidney Disease, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Maging si Jinkee Pacquiao ay nagpadala umano ng mensahe kay Lolit Solis at humiling na burahin na lamang ng showbiz reporter ang kanyang post.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel