CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity

CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity

- Matapos mag-viral noon ang CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', umani ng pambabatikos ang nasabing video

- Nakarating na rin ito sa sikat na American internet celebrity na si Doctor Mike at ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Story

- Napatanong ito kung chest compression ba ang ginagawa ng babae sa video o isang TikTok dance

- Matatandaang nakilala din si Dr. Mike matapos siyang maiugnay kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging usap-usapan ang CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal' na nag-viral noon matapos itong mapuna ng sikat na American internet celebrity na si Dr. Mike.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account at maging sa kanyang Instagram Story.

CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity
Dr. Mike Varshavski (@doctor.mike)
Source: Instagram

Sa kanyang tweet na ibinahagi, sinabi niyang, "These chest compressions hurt my soul."

Sa kanyang Instagram Story naman ay napatanong ito kung chest compression ba o bagong TikTok dance ang ginagawa ng babae sa nasabing eksena. Inilagay niya ang poll kung saan mamimili ang kanyang mga followers kung alin sa dalawa ang kanyang ginagawa. Umabot sa 13% ang nagsabing CPR at 87% naman ang nagsabing TikTok dance daw iyon.

Read also

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

CPR scene sa teleseryeng 'Kambal Karibal', pinuna ng American internet celebrity
Screenshot from Dr. Mike Varshavski's IG Story (@doctor.mike)
Source: Instagram

Ang eksenang ito ay kuha sa teleseryeng "Kambal Karibal" na pinagbidahan ni Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara noong 2017 na nagwakas noong August 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mikhail Varshavski, D.O., o mas kilala bilang si Mike Varshavski o Doctor Mike ay isang Russian-born American internet celebrity. Sumikat siya sa iba'tibang panig ng mundo matapos mag-viral ang kanyang social media account nang ma-feature siya sa BuzzFeed at People magazine' noong 2015.

Matatandaang napuna na rin ni Ogie Diaz ang nasabing viral na scene sa Kambal Karibal. Bumwelta naman ang GMA writer na si Suzette Doctolero kaugnay dito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel