Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7 at binatikos ang viral na CPR scene ng 'Kambal Karibal'

Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7 at binatikos ang viral na CPR scene ng 'Kambal Karibal'

- May bagong patutsada si Ogie Diaz sa head writer ng GMA na si Suzette Doctolero

- Kasabay nito ang nag-trending na "unrealistic" CPR scene ng Kambal Karibal na pinuna ni Ogie

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinarakan ni Ogie Diaz, isang aktor at talent manager ng ABS-CBN, ang head writer ng GMA na si Suzette Doctolero.

Ayon sa ulat ng PEP, pinuna ni Ogie ang nag-viral na eksena sa Kapuso series na Kambal Karibal, kung saan ipinakita ang "unrealistic" na CPR scene.

Nalaman ng KAMI na dinaan ni Ogie sa isang Facebook post ang mga patutsada niya kay Suzette nitong Martes, May 1.

Sinama din niya sa kanyang post ang viral na CPR scene.

"Ang taba mo, Ogs. Ba’t di ka magpapayat?"

-"Sige, simulan mo, susunod ako."

"Walang ipinagkaiba yan sa “bago pumuna sa uling ng iba, humarap muna sa salamin, baka meron ka ding uling sa mukha.

"Kaya gusto kong sabihin dito kay Suzette Doctolero na madalas pumuna sa show ng abs-cbn habang siya’y writer ng gma-7, nobody’s perfect, atih.

"Kung busy ka sa pagpuna sa bakuran ng kapitbahay, hindi mo talaga makikita ang mali sa sarili mong bahay.

"So ang labanan na lang talaga ngayon sa mga teleserye, pagandahan.

"Kesa magbatuhan ng putik, husayan at ayusin na lang ang kani-kanyang trabaho para sa mga mahal nating manonood. After all, kaya naman tayo nandito sa trabahong ito ay dahil gusto nating bigyan ng magandang show ang audience kahit hindi naman perfect 100% ang lahat ng shows.

"At sa pagkakataong ito, hindi para magsabi akong mali ang ginawa ng talent na nurse sa pasyente. Gusto ko pa ring isiping mahusay din yung nurse sa pag-pray over."

Watch the viral CPR scene from "Kambal Karibal" below:

Nag-react ang mga netizens sa isyu at nagpahayag ng kani-kanilang opinyon.

Ayon sa iba, deserve ni Suzette ang mga pahayag ni Ogie dahil mahilig itong mangialam sa mga shows ng ABS-CBN.

Ngunit para sa iba, pinupuri naman nila ang Kapuso series na "Kambal Karibal" at lalo lang daw ito pinapasikat ni Ogie.

Read some of the comments from netizens below:

Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7 at binatikos ang viral na CPR scene ng 'Kambal Karibal'

Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7 at binatikos ang viral na CPR scene ng 'Kambal Karibal' (Screenshot: Fashion Pulis)

Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7

Ogie Diaz, rumesbak kay Suzette Doctolero ng GMA 7 (Photo by: GMA)

Kamakailan lang ay binatikos ni Suzette Doctolero ang representasyon ng "Babaylan" sa fantasy series ng ABS-CBN na Bagani.

Pahayag niya, "Wag babuyin ang kultura at paniniwala. Idepict ng tama."

Si Suzette ang screenwriter ng hit Kapuso fantasy series na Encantadia.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Number 1! Chambe music video ni Alex Gonzaga, tinalo ang Christmas Station ID

Number 1! Chambe music video ni Alex Gonzaga, tinalo ang Christmas Station ID

Number 1! Chambe music video ni Alex Gonzaga, tinalo ang Christmas Station ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel