Video ng huling kaarawan ni Pangulong Noynoy, kinakitaan pa rin ng sigla at kasiyahan

Video ng huling kaarawan ni Pangulong Noynoy, kinakitaan pa rin ng sigla at kasiyahan

- Lumabas ang maiksing video na nagpapakita ng simpleng selebrasyon ng kaarawan ng yumaong Pangulo na si Noynoy Aquino

- Makikitang napangiti pa ito surpresang handog ng ilang taong malalapit sa kanya

- Ilang buwan lamang mula nang pagdiriwang na ito ay binawian na ng buhay ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas

- Naihatid na ito sa huling hantungan noong Sabado, Hunyo 27 kung saan ang kapatid nitong si Kris Aquino ang naglagak ng kanyang abo sa kanyang puntod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw matapos na pumanaw ang dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, lumabas ang isang video ng pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan noong Pebrero 8.

Nalaman ng KAMI na ang video ay kuha sa surpresang inihanda ng ilang malalapit na kaibigan at miyembro ng PSG.

Sa video na ibinahagi rin ng Inquirer, mababakas ang ngiti at sigla ng Pangulo habang kinakantahan ito ng birthday song bago pa man niya hipan ang kandila ng kanyang simpleng cake.

Read also

Pamangkin ni PNoy, ibinahagi ang huling palitan nila ng text message ng tiyuhin

Video ng huling kaarawan ni Pangulong Noynoy, kinakitaan pa rin ng sigla at kasiyahan
Photo: Former President Noynoy Aquino with sister Kris Aquino and his nephews Bimby and Josh (@krisquino)
Source: Instagram

Ito na pala ang huling kaarawan ng dating Pangulo na pumanaw noong umaga ng Huyo 24 sa kanya mismong silid, sa tahanan nila sa Times St. Quezon City.

Hapon ng nasabing araw nang kumpiramahin naman ng kanyang mga kapatid sa opisyal na pahayag ng kanilang pamilya na renal disease secondary to diabetes ang ikinamatay ni 'PNoy.'

Sinasabing ang kanyang longtime househelp na si Yolly Yebes ang nakapansin na hindi na umano gumagalaw ang dating Pangulo na pareho ang posisyon mula nang gabi na iniwan nila ito.

Nadala pa si PNoy sa Capitol Medical Center kung saan nakumpirmang binawian na ito ng buhay bandang 6:30 ng umaga.

Agad na na-cremate ang kanyang labi at ang kanyang abo na lamang ang siyang pinaglamayan ng pamilya at mga malalapit na tao sa kanya sa loob lamang ng dalawang araw.

Hunyo 27 nang ihatid na ito sa huling hantungan at ang kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino ang naglagak ng kanyang abo sa puntod kasama ng kanilang mga magulang na si dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Ninoy Aquino.

Read also

Fiancé ni Yam Concepcion, gumamit ng mahigit 2,000 na paper crane sa proposal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 na Presidente ng Pilipinas. Siya ay mamakaisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica