Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana

Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana

- Diretsahang sinagot ni Ogie Diaz ang truth or dare question sa kanya ni Kid Yambao

- Inamin nitong dalawa sa mga kinaiinisan niyang celebrity ay sina Snooky Serna at Jomari Yllana

- Pabiro pa ang dahilan ng umano'y pagkainis niya kay Snooky at nagagamit naman niya ang dahilang ito sa ilang mga interview

- Ngunit sinabi niyang naiinis siya kay Jomari Yllana nang malamang niyang 'nabubuwisit' din umano ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa at diretsahang sinabi na sina Snooky Serna at Jomari Yllana ang dalawa sa mga Pinoy celebrities na kanyang kinaiinisan.

Nalaman ng KAMI, naging bahagi ng panayam sa kanya ng kanyang alaga sa showbiz na si Kid Yambao ang 'truth or dare.'

Dito, mamimili ang panauhin kung sasagutin ang tanong o tatanggap ng consequence.

Read also

May-ari ng kumpanyang nagpasweldo ng mga sentimo, inako ang pagkakamali

Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Ngunit pinili ni Ogie na sagutin ang tanong kung sino ang mga artista na kanyang kinakainisan.

Una niyang nabanggit si Snooky Serna. Kwela pa ang rason ng pagkainis niya sa beteranang aktres.

Minsan niya kasi itong na-interview tungkol sa isang issue na kinasasangkutan umano nito.

Sa dinami-rami raw ng sinabi ng aktres, "no comment" pa rin pala ang masasambit nito sa huli.

Kwento ni Ogie, nagagamit naman daw niya ang style na iyon ni Snooky sa tuwing siya naman ang may interview.

Samantala, ikinuwento naman ni Ogie na nakarating umano sa kanya na 'nabubuwisit' daw sa kanya ang aktor na si Jomari Yllana.

Isa sa nakikita niyang dahilan ay ang pagpanig umano ni Ogie kay Aiko Melendez na naging asawa ni Jomari.

"But I told Aiko na hindi ako nagsa-side sa'yo dahil mas close tayo kaysa kay Jomari... Nagsa-side ako ako sa tama"

Alam daw umano ni Ogie na darating ang araw na magkakausap sila at magkakaunawaan ukol sa mga bagay-bagay na ikinasama nila ng loob sa isa't isa.

Read also

Kris Aquino, nagpahanda ng mga awiting alay kay PNoy na mahilig sa musika

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ogie Diaz mula sa YouTube channel ni Hashtag Kid Yambao:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz ay isang comedian at talent manager. Isa na rin siya ngayon sa mga itinuturing na mahuhusay na content creator sa bansa sa kanyang YouTube Channel na 'Ogie Diaz' kung saan mayroon na siyang 2.03 million subscribers.

Naging panauhin din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel si Kid Yambao kung saan matitinding rebelasyon tungkol sa kanyang pagkatao ang kanyang naibahagi.

Kamakailan ay nakapanayam din ni Ogie sa kanyang YouTube channel sina Joey Marquez at Vice Ganda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel