May-ari ng kumpanyang nagpasweldo ng mga sentimo, inako ang pagkakamali

May-ari ng kumpanyang nagpasweldo ng mga sentimo, inako ang pagkakamali

- Nagkaharap na ang may-ari ng kompanya at ang empleyadong pinasuweldo umano nito ng barya-barya

- Mismong si Mayor Rex Gatchalian ang namagitan sa pag-uusap ng dalawa at diretsahang tinanong ang may-ari kung bakit nagawang magpa-sweldo ng tig-singko at diyes sentimo

- Sinabi ng may-ari na kanyang inipon ang mga barya para raw sa kanyang "religious thing" at hindi para ibigay sa kanyang manggagawa

- Gayunpaman, inako pa rin niya ang responsibilidad ng pagkakamali sa pagpapasahod at humingi rin ito ng dispensa mismo sa kanyang dating empleyado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humarap na sa publiko si Jasper So, ang may-ari ng NexGreen Enterprise, ang kompanyang nagpasahod umano sa manggawa nila ng tig-singko at diyes sentimo na nag-viral kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak na ito sa paanyaya sa kanya ni Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City upang makaharap din ang empleyadong si Russel Mañoza.

Read also

Kompanyang nagpasweldo ng mga sentimo, suspendido na ang business permit

Diretsang tinanong ni Mayor Gatchalian kung bakit nagawa umano ni So na pahintulutang pasahurin ng mga barya si Mañoza na nakakainsulto sa mga manggagawa.

May-ari ng kompanyang nagpasweldo ng mga sentimo, inako ang pagkakamali
Ang ilang plastik bag ng sentimo na pinasahod kay Russel Mañoza (Photo from Regine/ Facebook name:Odniemrud Eniger)
Source: Facebook

Sinagot naman ito ni So at sinabing inaako niya ang responsibilidad ng pagpapasahod sa dati niyang empleyado.

"'Yung coins, hindi naman intended sa kanya, It's for my religious thing. But regardlesss of nagkamali man or what, 'di ba, it's my command of responsibility so I accept anything na lang, wala na, hindi na ako magko-contest"

Ayon sa GMA News, sinasabing naireklamo na ni Mañoza ang kanyang amo sa barangay dahil sa hindi tamang pagpapasahod nito.

Pinaniniwalaang ang pagpapasuweldo sa kanya ng singko at diyes sentimo ay sinadya dahil sa naunang reklamo na ipinukol sa dating amo.

Kasalukuyan na ring suspendido na ang business permit ng NexGreen Enterprise dahil kinakitaan pa ito ng ilan pang paglabag bukod sa umano'y pagtrato nito sa kanilang mga empleyado.

Read also

Netizen, ibinahagi ang natanggap na sweldo ng kanyang pinsan na puro barya

Binigyan sila ng 15 na araw upang isaayos ang mga gusot na kinahaharap ng kanilang kompanya.

Samantala, harapan na ring humingi ng dispensa si So kay Mañoza dahil sa nangyari.

Hunyo 26 nang mag-viral ang post ng nagpakilalang pinsan ni Russel Mañoza na si Regine at may Facebook name na Odniemrud Eniger. Concern lamang umano siya sa kanyang pinsan na ilang plastic bag ng sentimo ang natanggap bilang sweldo.

Kamakailan, isang security guard din ang napaiyak sa kanyang video na nai-post sa social media dahil isang buwan na umano itong hindi sumasahod. Nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo na agad na inaksyunan ang kanyang sumbong.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica