Kompanyang nagpasweldo ng mga sentimo, suspendido na ang business permit

Kompanyang nagpasweldo ng mga sentimo, suspendido na ang business permit

- Agad na inaksyunan ni Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City ang sinapit ng isang empleyado na sinahuran ng mga barya

- Ilang araw matapos makarating sa opisina ng alkalde ang viral post, sinuspinde na ang business permit ng Nexgreen Enterprise

- Bukod kasi sa kulang at tigsi-sentimong pasahod nito, kinakitaan ng patong-patong na violation ang kompanya

- Binigyan din nila ang Nexgreen Enterprise ng 15 na araw upang ayusin at harapin ang mga reklamong kinahaharap nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinuspinde na ni Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City ang business permit ng Nexgreen Enterprise epektibo ngayong Miyerkules, Hunyo 30.

Ito ay matapos na makarating sa opisina ng alkalde ang tungkol sa viral post kung saan ipinakita ang tigli-lima at sampung sentimo na sinahod ng empleyadong si Russel Mañoza.

Ayon sa ABS-CBN News, nagkaroon ng pulong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela kung saan lumabas na mayroon pang mga ibang mga empleyado bukod kay Mañoza na hindi napasahod ng maayos.

Read also

Netizen, ibinahagi ang natanggap na sweldo ng kanyang pinsan na puro barya

Kompanyang nagpasweldo ng mga sentimo, suspendido na ang business permit
Photo from Regine Durmiendo (Facebook name: Odniemrud Eniger)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tanging si Mañoza ang nagkaroon ng lakas ng loob na magreklamo. Ito rin ang nakikita niyang dahilan ng pagpapasahod sa kanya ng mga barya na labis umanong nakainsulto sa kanya.

Sa ulat din ng GMA News sinabing patong-patong na rin ang mga violation ng kompanya. Dahil dito, sinubukan ni Mayor Gatchalian na ipatawag ang may-ari ng kompanya na si Jasper So subalit nasa Baguio raw ito.

Ayon naman sa humarap na kinatawan ng Nexgreen Enterprise, aksidente lamang umano ang nangyari na maging si Mañoza ay 'di ito pinaniwalaan at sinabing sinasadya umano ito.

"Naka-pack po yang mga yan e, sinadya po 'yan ma'am. 'Yung mga centavos pong yan may mga ano eh, may mga tape pa po yan."

Ayon din kay Mayor Gatchalian, tugma umano ang sinasabing halaga ng barya sa sahod ng empleyado kaya hindi umano kapani-paniwalang hindi ito sinadya.

Read also

Video ng huling kaarawan ni Pangulong Noynoy, kinakitaan pa rin ng sigla at kasiyahan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hunyo 26 nang mag-viral ang post ng nagpakilalang pinsan ni Russel Mañoza na si Regine at may Facebook name na Odniemrud Eniger.

Concern lamang umano siya sa kanyang pinsan na ilang bag plastic bag ng sentimo ang natanggap bilang sweldo.

Kamakailan, isang security guard din ang napaiyak sa kanyang video na nai-post sa social media dahil isang buwan na umano itong hindi sumasahod. Nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo na agad na inaksyunan ang kanyang sumbong.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica