Netizen, ibinahagi ang natanggap na sweldo ng kanyang pinsan na puro barya
- Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng sahod na natanggap ng kanyang pinsan
- Puro barya umano ang natanggap na sahod ng pinsan niya na binubuo ng mga piso at sentimong barya
- Humingi sila ng tulong mula kay Mayor Rex Gatchalian na agad namang umaksiyon sa kanilang paghingi ng tulong
- Paniniwala ng empleyado, sinadya iyon ng kompanya dahil panay umano ang kanyang reklamo tungkol sa mababang sahod at kakulangan sa binibigay ng benepisyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ng Facebook user na nagngangalang Odniemrud Eniger ang picture ng sahod na natanggap ng kanyang pinsan. Humingi sila ng tulong kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Agad namang tumugon ang alkalde at nakausap na nito ang factory worker at ang kinatawan ng factory kung saan siya nagtatrabaho.
Naniniwala umano ang empleyado na sinadya iyon ng kanyang employer dahil malimit siyang nagrereklamo tungkol sa mababang pasahod at kakulangan sa binibigay ng benepisyo sa mga trabahador nito.
Umabot ng mahigit 1000 ang kanyang sinahod na binubuo ng tig pipiso at 25 sentimo na barya. Sinubukan umanong ibalik ng trabahador ang binigay na sahod sa kanya para mapalitan ngunit hindi daw nila iyon tinanggap.
Itinanggi naman ng kinatawan ng kompanya ang alegasyong ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh