Mystery donor ng Php200,000 para sa PWD ng RTIA, nahulaang si Manny Pacquiao

Mystery donor ng Php200,000 para sa PWD ng RTIA, nahulaang si Manny Pacquiao

- Isang mysterious donor ang nagtext kay Raffy Tulfo at nagsabing magbibigay ng Php200,000 sa PWD na humihingi ng tulong sa kanyang programa

- Ayaw umanong magpakilala ng donor na ang nais lamang ay ang makatulong sa masipag na PWD

- Subalit sa mga ibinigay na clue mismo ni Tulfo, agad na nahulaan ng PWD at ina nito na si Manny Pacquiao ang misteryosong donor ng malaking halaga ng pera

- Nagpasalamat na rin mismo ang PWD kay Manny Pacquiao at hindi naman siya pinigilan ni Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang misteryosong donor ang bigla umanong nagtext kay Raffy Tulfo sa kalagitnaan ng kanyang programang 'Wanted sa Radyo."

Nalaman ng KAMI na ito ay ang bahagi kung saan magbibigyan ng tulong ang tanod na PWD na si Jeberil Wabe Jr.

Dumulog ito sa programa ni Tulfo na ang pangunahing hiling ay ang sariling wheelchair na kanyang magagamit.

Read also

Vlogger, kinumpronta ang umano'y scammer na kumukuha ng kanyang bank details

Mystery donor ng Php200,000 sa isang PWD sa RTIA, pinaniniwalaang si Manny Pacquiao
Photo: Manny Pacquiao (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Dahil sa bag na nabili sa Idol Shopping network, mabibigyan ng halagang Php20,000 si Jeberil.

Subalit dahil sa text ng isang "mystery donor" na ayaw magpakilala, nadagdagan pa ng 200,000 pesos ang matatanggap ni Jeberil.

Hindi mang diretsang kinumpirma ni Tulfo na si Manny Pacquiao nga ang donor na ito, sa mga clue pa lang na kanyang ibinigay agad na nakilala ni Jeberil ang taong tutulong sa kanya.

"Alam mo sir kung sino? Nanonood ka ba ng boxing?" tanong ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Agad namang sumagot ang ina ni Jeberil na si Marialyn ng "Manny Pacquiao" at hindi naman na itinanggi ni Tulfo.

Kaya naman diretsa nang nagpasalamat si Jeberil kay Pacquiao dahil mula sa Php20,000 na orihinal niyang matatanggap mula sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) magiging Php220,000 na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Amanda Zamora on life after PBB Connect: "It's hard but fun!"

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica