Mag-asawang binihisan at pinakain ang isang lalaking palaboy, hinangaan ng marami

Mag-asawang binihisan at pinakain ang isang lalaking palaboy, hinangaan ng marami

- Hinangaan ang mag-asawa sa Caloocan City na nagawang bihisan at pakainin ang isang palaboy na nakita nilang walang saplot

- Imbis na tawanan o basta lampasan lamang, pinagmalasakitan ng dalawa ang lalaki

- Kwento ng mag-asawa, mababakas ang saya ng palaboy na tila may problema sa pag-iisip nang iabot nila ang pagkain at mga damit

- Dahil din sa viral post, isang nagsasabing kamag-anak ng lalaki ang nakakita sa kanya at nais na siyang mahanap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ni Lorie Jane "LJ" Adop sa kanyang Facebook patungkol sa kung paano nila tinulungan ang isang palaboy na wala umanong saplot.

Nalaman ng KAMI na imbis na lampasan o pagtawanan, naisipan ni LJ at ng kanyang mister na pagmalasakitan ito.

Agad silang nagpunta sa isang ukay-ukay upang ibili ng damit ang lalaki.

Read also

Car owner na pinakalma pa ang driver ng jeep na nakabangga sa kanya, hinangaan

Mag-asawang binihisan at pinakain ang isang lalaking palaboy, hinangaan ng marami
Photo: Ang mister ni LJ na si Wilfredo habang tinutulungan ang lalaki (Photo from LJ Adop)
Source: Facebook

Nang malaman din ng may-ari ng ukay-ukay na ang binibiling damit ng mister ni LJ ay para sa palaboy, dinagdagan na rin niya ito ng kanyang maibibigay.

Bumili na rin ang mag-asawa ng pagkain at maiinom na ibinigay na rin nila sa palaboy.

Sa panayam sa kanila ng 24 Oras, nabanggit nilang mababakas sa mukha ng kanilang natulungan ang kasiyahan.

Nilarawan nila ito na parang bata nang makita ang mga bagong damit na kanilang ibinigay.

Agad din daw kinain ng lalaki ang kanilang bigay na pagkain.

Dahil din sa kanilang viral post, isang nagpakilalang kamag-anak ng lalaki ang nakipag-ugnayan kina LJ.

Naniniwala umano ito na ang kamag-anak nilang nawawala nang halos isang taon na ay ang palaboy na natulungan ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isa sa mga naiulat ng KAMI ay tungkol sa palaboy na nangangalakal kahit na mukha itong artistahin.

Read also

Viral na MedTech na tinapos ang gawain kahit nasusunog na ang kalapit na gusali, hinangaan

Natulungan ito ng isang hair stylist na siyang kumupkop at nagbigay ng maayos na hanapbuhay sa kanya.

Sa kabila ng kinahaharap na pandemya ng bansa at mundo, mayroon pa rin talagang mga taong may mabubuting kalooban na handang tumulong sa mga mas higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica