Nag-viral na artistahing palaboy, endorser na ngayon ng slimming product

Nag-viral na artistahing palaboy, endorser na ngayon ng slimming product

- Endorser na ngayon ng isang slimming product ang si Dennis Pascual

- Ito ay matapos niyang mag-viral kamakailan dahil sa makeover na ginawa sa kanya ng isang make-up artist

- Agaw-atensyon ang dating palaboy dahil sa mala-modelo niyang mukha

- Nasa pangangalaga na siya ngayon ng hair and make-up artist na si Richard Strandz na patuloy siyang tinutulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na ngayong ganap na endorser si Dennis Pascual, ang dating palaboy na nag-viral matapos na mabigyan ng makeover ng stylist na si Richard Strandz.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay naganap ang phostoshoot ni Dennis para sa slimming products ng SlimFair.

Si Richard na tumatayong mentor at manager ngayon ni Dennis ang nag-ayos sa kanya para sa naturang photoshoot.

Nag-viral na artistahing palaboy, endorser na ngayon ng slimming product
Dennis Pascual (Photo from Richard Strandz)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Mula nang mapansin ni Dennis si Richard sa kanilang lugar na namumulot ng mga bote para ikalakal, kinupkop na niya ito matapos na ayusan.

Pumayag na rin si Dennis na maging assistant ni Richard sa shop kung saan mas maayos ang kanyang buhay kumpara sa kalsada.

Sa ilan pang mga vlogs ni Richard, makikitang maayos na nakakakain si Dennis dahil sa maayos na pagtrato sa kanya ng stylist kasama ng mga kaanak din nito.

At makalipas nga lang ang isang buwan, mayroon na agad na endorsement Dennis. Umaasa silang ito na ang simula ng career nito na malaki ang maitutulong sa tuluyang pagbabago ng takbo ng kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dennis Pascual ay ang 'artistahing' nangangalakal na madalas ding mapadaan sa parlor ni Richard Strandz.

Read also

Guro na nakatira na lang sa kotse, nabigyan ng nasa ₱1.3 million ng dating mga estudyante

Noong nagkalakas loob siyang kausapin ito, tuloy-tuloy na ang pagtulong niya rito hanggang sa kinupkop na niya ito bilang assistant.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sumunod na rito ang kanyang vlog tungkol sa noo'y live-in partners pa lang na sina Rommel at Rosalyn na ngayo'y mag-asawa na sa tulong pa rin ni Strandz.

Kilala si Strandz sa kanyang mga make-up at transformation videos. Nito lamang Pebrero 19, umabot na sa 20,000 ang followers niya sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel