Guro na nakatira na lang sa kotse, nabigyan ng nasa ₱1.3 million ng dating mga estudyante

Guro na nakatira na lang sa kotse, nabigyan ng nasa ₱1.3 million ng dating mga estudyante

- Isang 77-anyos na guro sa California na nakatira na lamang sa kanyang kotse ang natulungan ng kanyang mga dating estudyante

- Isa sa kanyang naging mag-aaral ang nakakita ng kanyang kalagayan kaya ibinahagi nito ang kwento ng guro sa social media

- Nakalikom ito ng $27,000 o mahigit ₱1.3 million para sa dating guro

- Sinurpresa nila ito kasama ng iba pang mga naging estudyante niya sa kanya mismong kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi akalain ng 77-anyos na dating guro na si Jose Villarruel sa California na matutulungan siya ng isa sa mga dati niyang naging estudyante.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang kotse na lamang naninirahan ang dating substitute teacher na mas kilala bilang "Mr. V" sa kanyang mga mag-aaral.

Ayon sa Fox 11 Los Angeles, isa sa mga mag-aaral ni Teacher Jose na si Steven Nava ang nakakita sa kanyang kalagayan.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Guro na nakatira na lamang sa kotse, hinandugan ng nasa ₱1.3 million ng dating mga estudyante
Jose Villarruel (Photo from Steven Nava)
Source: UGC

Nagulat si Steven na nasa kotse na lamang nakatira ang guro. Tuluyan na kasi itong nag-resign nang maging "work from home" na ang set-up maging ng mga paaralan na naka-online classes na lamang.

Dahil dito, naisipan ni Steven na ibahagi ang kwento ng kanyang dating guro sa social media upang makahingi na rin ng tulong para sa kanya.

Hindi naman nabigo si Steven dahil nakalikom siya ng $27,000 o mahigit ₱1.3 million mula rin sa iba pang mga naging estudyante ni "Mr. V" na nagmalasakit sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kaya sa kanyang kaarawan, kasama ng mga nagtipon-tipong mag-aaral ni Teacher Jose, sinurpresa nila ito at iniabot ang nalikom na tulong.

“I’m still trying to digest the entire experience, it’s extraordinary, totally unexpected," pahayag ng guro na tila hindi makapaniwala sa natanggap na biyaya.

Read also

OFW sa Dubai, hindi pa rin maiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na siya

Taos puso siyang nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya at sinabing mananatili sa kanyang puso ang ginawa ng mga ito para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, isang estudyante rin ang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo upang maipagamot ang dati niyang guro na mayroong stage 4 breast cancer.

Kwento ng dating mag-aaral, mabuti sa kanya ang guro na itinuring na niyang parang tunay na ina. Ito raw ang sumusuporta sa kanya sa tuwing kinakapos siya ng pambaon o pamasahe para lang makapasok sa paaralan.

Kaya naman ngayong ang guro naman ang humihingi ng tulong, ang estudyante naman ang gumawa ng paraan para pagmalasakitan ang kanyang dating maestra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica