Dating estudyante, humingi ng tulong kay Tulfo para sa guro na may breast cancer
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang dating estudyante para matulungan ang isa sa kanyang naging guro
- Nagkaroon ng stage 4 breast cancer ang kanyang guro noong high school at wala na halos itong pampagamot
- Naging mabuti sa kanya ang guro na itinuring na rin niyang parang tunay niyang ina
- Magpapaabot ng tulong si Tulfo sa guro at maging sa estudyante na breadwinner pala ng sarili niyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang lalaking si Marlon Cortes Jr. upang ihingi ng tulong ang kanyang dating guro na si Ma. Nadia Reyes na mayroong stage 4 breast cancer.
Nalaman ng KAMI na high school teacher noon ni Marlon si Teacher Nadia na itinuring na rin niyang tunay na ina.
Katunayan, noong nasa kolehiyo na siya at isang working student, madali niyang nalalapitan ang dati niyang guro tuwing kinakapos siya sa pamasahe.
At ngayong si Teacher Nadia naman ang labis na nangangailangan ng tulong, talagang gumawa ng paraan si Marlon para maibsan ang hirap na dinaranas ng dating guro.
Isa na ngayong construction worker si Marlon at breadwinner pa ng kanyang pamilya kaya naman hirap din talaga siyang matulungan si Teacher Nadia.
Kaya naisipan niyang lumapit na kay Tulfo na hindi naman sila binigo at humanga pa sa nakakaantig ng puso nilang kwento.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, magpapadala na agad si Tulfo ng tulong na nagkakahalaga ng Php100,000 para sa pagpapagamot ng guro.
Bibisita rin mismo si Sharee Roman sa Cebu para matingnan ang kalagayan ni Marlon lalo na ang kanyang dating guro para malaman kung ano pang tulong ang maari nilang maibigay.
Labis na nagpapasalamat ang guro sa agarang tulong ni Tulfo para maipagpatuloy niya ang kanyang pagpapagamot.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang taho vendor na bitbit ang anak sa paglalako dahil iniwan umano siya ng kanyang misis. Nagkaroon ito ng sariling food cart business mula kay Tulfo.
Gayundin ang isang batang nakaligtas nga sa COVID-19 subalit naging stage 4 naman ang cancer nito. Patuloy na sinusuportahan ni Tulfo ang gamutan ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh