Briton na may cancer, hinahanap ang Pinoy na kaibigan para pamanahan ng milyones
- Hinahanap ng isang British man na si Verne McLean ang naging kaibigan niyang Pinoy na si Mar
- 1979 pa niya ito nakilala nang magtrabaho siya sa Libya kung saan isang chef naman ang Pinoy
- Taong 1984 naman nang huling nagpadala sa kanya ng liham ang kaibigan subalit hindi na niya ito nasagot
- Bagaman at sinabi ni Verne na si Mar ang nahanap ng KMJS, itinanggi naman ito mismo ni "Mar" at hiniling ang kanyang privacy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patuloy pa rin sa paghahanap ang Briton na si Verne McLean sa kanyang kaibigang Pinoy na si "Mar."
Nalaman ng KAMI na mayroong prostate cancer na ang 75-anyos na si Verne at kasama umano sa kanyang "last will and testament" ang Pinoy na kaibigan.
Ayon sa programang Kapuso mo, Jessica Soho kung saan humingi na ng tulong ang isa pa ring kaibigang Pinoy ni Verne, nais na pamanahan ng Briton si Mar ng lima hanggang sampung pursyento ng kanyang ari-arian na kung susumahin ay nasa Php33 million.
Kwento pa ni Verne, nagkakilala sila ni Mar sa Libya kung saan siya naging crane operator habang chef naman si Mar sa isang restaurant doon kung saan madalas kumain ang Briton.
Si Mar lamang daw noon ang marunong mag-Ingles kaya naman siya ang madalas na makausap ni Verne at naging mabuting magkaibigan.
Subalit nagkahiwalay sila dahil nadestino na sa ibang bansa si Verne habang umuwi naman ng Pilipinas si Mar.
Makailang beses pa raw sumulat sa kanya ang Pinoy subalit hindi na niya ito nasagot, para tuluyan na silang mawalan ng komunikasyon.
Sa tulong ng programang KMJS, natunton nila ang isang "Mar" na kasalukuyan nang nakadestino sa Amerika.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sinabi nitong nagtrabaho siya noon sa Libya. Subalit nang mabanggit na ang tungkol kay Verne maging ang plano nitong pamanahan siya, hindi na niya kinumpirma kung siya nga ba talaga ang hinahanap ng Briton.
Samantala, nang ipakita na kay Verne ang social media account ng nakausap ng KMJS, laking tuwa nito at sinabing ito nga ang "Mar" na kanyang kaibigan.
Subalit, tumanggi na ang Pinoy na makipag-usap pang muli at hiniling ang kanyang privacy.
Gayunpaman, nag-iwan pa rin ng positibong mensahe si Verne kay Mar na sakaling magbago ang isip nito, nais pa rin sana niya itong makita at makausap.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, dalawang pamilya naman ang natulungan ng programa ng KMJS matapos na makumpirmang nagkapalit nga sila ng mga sanggol mula sa ospital.
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh