Viral post na "Ang kwento ng ₱300K", umantig ng sa puso ng mga netizens
- Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng graduating student na si Honesty Salazar
- Ito ay sa kung paano naigapang ng kanyang pamilya ang kanyang pag-aaral upang maging isang ganap na doktor
- Dumaan kasi sa matinding pagsubok ang kanilang pamilya na ₱300K na lamang ang hawak nilang pera noon
- Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng graduating student sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Humanga ang maraming netizens na nakabasa sa viral post ng graduating medicine student na si Honesty Salazar kung paano nagtulong-tulong ang kanyang pamilya para maigapang ang kanyang pag-aaral.
Kwento ni Honesty sa panayam sa kanya ng GMA News, nalugi umano ang kanilang negosyo noon at ₱300,000 na lamang ang natitira nilang pera bago pa siya pumasok sa kursong medisina.
Sa kabila ng pagsubok, tinanong pa rin siya ng kanyang ama kung desidido na siya sa nasabing kurso at diretsahan niya itong sinagot ng 'opo.'
Muntik nang mawalan ng pag-asa si Honesty na kumapit sa pagdarasal. Ilang araw na lamang kasi noon subalit wala pa siyang sapat na pang-enrol.
"Three days bago po 'yung enrolment nabenta po 'yung lupa namin... Sabi ni Papa, 'nak wag ka nang mag-alala, kasi ito na, may pang-tuition ka na," naluluhang isinalaysay ni Honesty.
Kaya naman wala siyang sinayang na pagkakataon at oras sa pag-aaral. Bukod kasi sa kanyang mga magulang, nagsakripisyo na rin ang kanyang kapatid at isinantabi ang pang-masteral degree sana nito para may maibigay kay Honesty.
At ngayong malapit na siyang magtapos at kalauna'y matatawag na siyang "Doctor Salazar", abot-abot ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga magulang.
Hiling niya na humaba pa ang buhay ng mga ito upang masuklian niya ang lahat ng suporta at sakripisyong inilaan ng mga ito sa kanya sa pag-abot niya ng naisakatuparan niyang pangarap na maging isang doctor.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tunay na kahanga-hanga ang mga kwento ng tagumpay ng ilan sa ating mga kababayan sa kabila ng pagsubok na kinakaharap natin dulot ng pandemya.
Ang kwento ni Honesty ay hindi nalalayo sa inspirasyong hatid ng isang jeepney driver na nagawang pagsabayin ang pag-aaral sa isang kilalang unibersidad habang nag-aaral sa kolehiyo. Pinagsumikapan niya ito upang hindi na raw mahirapan ang kanyang mga magulang sa pagpapa-aral.
Gayundin ang isang delivery rider na maging sa kanyang graduation photo, suot niya ang bag na dinadala sa pagde-deliver.
Simbolo umano ito ng kanyang pagsusumikap sa pag-aaral habang nagtatrabaho bilang delivery rider.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh