Bride na iniwan ng groom, matapang na itinuloy ang bridal photoshoot

Bride na iniwan ng groom, matapang na itinuloy ang bridal photoshoot

- Viral ngayon ang mga larawan ng bride na itinuloy ang kanyang photoshoot kahit wala ang kanya sanang groom

- Nakahanda na ang lahat maging ang kanyang wedding gown subalit bigla na lang umayaw ang lalaki

- Kwento pa nito, masaya naman daw sila ng kanya sanang groom ngunit bigla na lamang daw itong umurong sa kanilang kasal

- Aminadong naka-move on na ang dating bride na itinuon na lamang ang pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang doctor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa dapat sana'y bride na si Manna Samantha Luna nang ituloy pa rin niya ang kanyang bridal photoshoot kahit wala na ang kanyang groom.

Bride na iniwan ng groom, matapang na itinuloy ang bridal photoshoot
Bride na iniwan ng groom, matapang na itinuloy ang bridal photoshoot
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na hindi na umano natuloy ang kanilang kasalan sa kabila ng pitong taon nilang pagsasama.

Kwento ni Sam sa GMA News, sa tagal ng kanilang relasyon, nagpropose na ang lalaki sa kanya kaya naman sumunod na dito ang preparasyon nila para sa mahalagang araw sana nila.

Read also

Reply ng delivery rider sa kanyang nag-aalalang ina, umantig sa puso ng netizens

"Nakapag-reserve na kami ng church, caterer, venue, ganyan. May gown na ako, so 'yun. Then one day biglang parang ayaw na niya," salaysay ni Sam.

Ang sabi na lamang sa kanya ng lalaki, hindi raw nito kayang ibigay ang pagmamahal na nilalaan sa kanya ni Sam.

Makalipas ang dalawang taon, buong tapang na itinuloy ni Sam ang kanyang bridal photoshoot suot ang kanya sanang wedding gown.

Naisagawa ito sa tulong ng mahusay na team ng Athina De Ocampo Creative Studios.

Maging ang photographer at may-ari ng studio ay labis na humanga sa kwento ng katapangan ni Athina na talaga raw kapupulutan ng aral.

Sa ngayon, masasabing naka-move on na si Sam sa mapait na sinapit sa dating fiance' na balita niyang may ibang karelasyon na ngayon.

Nakatutok na lamang si Sam sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang ganap na doktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Kamakailan, nag-viral din ang kwentong kasalan kung saan hindi inaasahang bumuhos ang ulan sa isang outdoor wedding.

Subalit imbis na itigil ang seremonya, mismong ang mga bisita ang nagdesisyon na ituloy ang kasal at hindi nila iiwan ang bride at groom.

Makikita sa kanilang larawan na basa ang lahat at matiyagang nakiisa masaksihan lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawang malapit sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel