Maulang outdoor wedding, umantig sa puso ng maraming netizens

Maulang outdoor wedding, umantig sa puso ng maraming netizens

- Nag-viral ang post tungkol sa kakaibang kasalan kung saan hindi inaasahang inulan ang outdoor wedding

- Ginanap ito sa malawak na burol kaya naman hindi basta makakasilong ang mga inulan sa kasal

- Ngunit mismong ang mga panauhin ang nagsabing ituloy ang seremonya at hindi nila iiwan ang bride at groom

- Doon napagtanto ng mga ikinasal na tamang mga tao ang naimbitahan nila para maging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang kakaibang outdoor wedding na ginanap sa isang malawak na burol subalit biglang inulan.

Nalaman ng KAMI na aminadong na-dismaya ang bride na si Guerlain Felice Arada-Crauz sa biglang pagbuhos ng ulan na tila sisira sa kanilang plano sa isang napakaganda sanang kasalan.

Ayon sa post ng grupong 'SuperMom' na naibahagi ni Princess Wendi Abril Cabrera, napatingin na lamang ang bride sa kanilang mga panauhin.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Maulang outdoor wedding, umantig sa puso ng maraming netizens
Photo credit: SuperMom/Princess Wendi Abril Cabrera/Guerlain Felice Arada-Crauz
Source: Facebook

Hindi niya inaasahan ang reaksyon ng kanyang mga bisita kung saan sila pa ang nagsabi na ituloy ang seremonya.

"Nagsisigawan sila na 'Tuloy ang kasal. Wag tayong aalis, wag natin iiwan ang couple'," pahayag mismo ng bride.

Doon nila napagtanto na tamang tao ang kanilang naimbitahan upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi rin nila inaasahan na mag-eenjoy ang mga bisitang basang-basa na sa ulan tulad nila.

"Rejoice in our current situation because His thoughts are always higher than ours. Hindi Niya kami binalewala at binigo. It's as if Him saying to us na ienjoy namin ang ulan dahil ito ang will Nya sa araw ng aming kasal. And we felt at peace," ang makabuluhang mensahe ng bride.

"Message ko lang po sa mga single ladies and sa mga soon to be brides: There's a reward in waiting kaya huwag po mawawala ang joy sa puso habang naghihintay. May panahon sa buhay natin na hindi laging timing ang plans natin sa plano ng Lord, but the Lord has a unique timeline. His plans are perfect and beautiful. He will always be the best author of our love story. We may never see it now, but He is working on our behalf. Kaya keep on praying because God listens. He will give the desires of our hearts at the right time," dagdag pa niya.

Read also

Video ng lalaking hindi nakatiis at nanghingi ng candy sa kasakay sa van, viral

Narito ang ilan larawang kuha sa kasal na ibinahagi ng SuperMom:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng pahirap ng pandemyang ating nararansan, may mga nagmamahalang hindi nagpatinag at itinuloy pa rin ang plano ng pagpapakasal.

Kung sina Guerlain at kanya na ngayong mister ay inulan sa kanilang kasalan, matatandaang unang naiulat ng KAMI ang bride at groom na lumusong sa baha makarating lamang sa simbahan. Dahil dito, maging ang kanilang mga guest at nagsisunuran na rin sa mga ikakasal at hindi na ininda ang rumaragasang tubig baha, matuloy lamang ang pag-iisang dibdib.

Gayundin naman ang isang nurse na matapos na gumaling sa COVID-19, inaya at pinakasalan na agad ng kanyang longtime boyfriend.

Ilan lamang ito sa mga kwentong pag-ibig na pumukaw sa ating damdamin at nagsisilbing patunay na walang sinuman o anuman ang makahahadlang sa dalawang tapat na nagmamahalan at sentro ang Diyos sa kanilang pag-iibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica