Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

- Hindi na pinalampas ni Jennica Garcia ang aniya'y Marites na nang-intriga sa kanyang post tungkol sa kanyang pagiging single

- Ito ay matapos sabihin ng ilang netizens na nakita din daw nilang naroroon si Alwyn Uytingco sa Tanay na kasama ng kanyang mag-iina

- Gayunpaman, nilinaw ni Jennica na hindi dapat ikagulat ng mga tao na makita silang magkakasama dahil hindi niya ipagdadamot ang kanyang mga anak sa ama nila

- Minabuti niyang sagutin ang mga malisyosong komento upang sa susunod ay hindi niya na umano kailangan pang magpaliwanag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa post ni Jennica Garcia kung saan may hugot siya tungkol sa pagiging single. Gayunpaman, kapansin-pansin ang ilang netizens na tila iniintrigang nagkabalikan na ang mag-asawang Jennica at Alwyn Uytingco.

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Ito ay dahil may nakakita umano kay Alwyn na kasama sina Jennica at mga anak nila sa Tanay.

Read also

Kiko Estrada at Heaven Peralejo, muling namataang magkasama

Sagot naman ni Jennica, hindi dapat magulat ang publiko na makita silang magkakasama dahil ginagawa nila ang kanilang magagawa upang hindi masaktan ang kanilang mga anak.

Aniya, nagco-coparenting sila para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Read also

Scottie Thompson, ibinida ang kanyang misis na si Jinky Serrano sa Instagram

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel