Kiko Estrada at Heaven Peralejo, muling namataang magkasama

Kiko Estrada at Heaven Peralejo, muling namataang magkasama

- Ilang litrato ng aktres na si Heaven Peralejo kasama ang pamilya ng kanyang ama ang kumakalat sa social media

- Naging usap-usapan ang mga litratong ito dahil naroroon din ang aktor na si Kiko Estrada

- Matatandaang naging usap-usapan ang paghihiwalay nina Kiko at ex-girlfriend niyang si Devon Seron at nadawit ang pangalan ni Heaven sa isyung ito

- Gayunpaman, mariing sinabi ni Heaven na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Kiko at Devon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang mga pictures nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kumakalat ngayon sa social media. Kasama din sa mga pictures ang pamilya ng kanyang ama. Muling lumikha ito ng ingay dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kiko at Devon Seron kamakailan.

Kiko Estrada, namataang kasama si Heaven Peralejo at pamilya ng aktres
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Matatandaang nauna nang sinabi ni Heaven na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Kiko at Devon. Gayunpaman, namataan ang dalawa na magkasama sa Boracay.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Para naman sa ilang netizens, maaring nagkamabutihan na lamang ang dalawa matapos ang hiwalayan. Gayunpaman, hindi maiwasang mabatikos ang aktres lalo na mula sa mga tagahanga ng dating kasintahan ni Kiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Maging si Jinkee Pacquiao ay nagpadala umano ng mensahe kay Lolit Solis at humiling na burahin na lamang ng showbiz reporter ang kanyang post.

Read also

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel