Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob

- Matapos ilabas ni Toni Fowler ang video ng muli nilang pagkikita ni Rob Moya, marami sa mga tagahanga ni Tito Vince Flores ang nadismaya

- Marami sa kanila ang umaasang mabibigyan ng pagkakataon na maging sila ni Toni

- Matapos nga ang hiwalayang Toni at Rob, si Vince ang naging kasa-kasama ni Toni sa kanyang mga vlog

- Inamid din ni Toni na nagkapalagayan sila ng loob noon ni Vince dahil sa kawalan ng oras ni Rob sa kanya at ito ang naging dahilan umano ng kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa muling pagkakabati nina Toni Fowler at Rob Moya, hindi natuwa ang karamihan sa mga tagahanga ni Tito Vince Flores. Marami sa mga ito ang naglabas ng kanilang mensahe para kay Vince.

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob
Vince Flores (@titovinceflores)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi mismo ni Vince ang video ng pagkikita nina Rob at Toni. Aniya ay proud siya kay Toni dahil may mabuti daw itong puso.

Read also

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

Sa isa pang post, muli niyang sinabi na maghihintay pa rin siya kay Toni. Makikita sa video na kanyang ibinahagi na pagkatapos niyang sumayaw ay pumunta siya kay Toni at niyakap ito.

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob
Screenshot from TiTo Vince (www.facebook.com/ttvnce79)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Read also

Kiko Estrada at Heaven Peralejo, muling namataang magkasama

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel