Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

- Hindi lahat ay positibo ang pagtanggap sa muling pagkikita nina Rob Moya at dati nitong live-in partner na si Toni Fowler

- Sa kanyang bagong vlog, sinabi ni Toni na kinailangan niyang kausapin si Rob matapos manganib ang buhay ng aso nila na aniya ay malapit kay Rob

- Hindi ikinaila ni Toni na naging emosyonal sila nang unang magkita at magkausap hanggang sa nagkalinawan at nagkapatawaran sila

- Ibinuking din ni Toni na sinabi umano ni Rob na nagkamali siya ng taong sinamahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulantang sa muling pagbabati ng dating magka-live in partner na sina Rob Moya at Toni Fowler. Gayunpaman, hindi lahat ay natuwa at mayroong mga negatibong reaksiyon kaugnay sa kanilang pagkikita.

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae
Rob Moya
Source: Facebook

Gayunpaman, nilinaw ni Toni na ginawa niyang mag-reach out kay Rob matapos malagay sa panganib ang buhay ng kanilang aso na aniya ay sadyang malapit kay Rob noong nagsasama pa sila.

Read also

Toni Fowler, naglabas ng saloobin matapos umani ng mga reaksiyon ang bagong vlog

Naikwento ni Toni na naging emosyonal sila sa kanilang unang pagkikita dahil na rin sa tindi ng kanilang naging bangayan sa social media na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Inihingi ng paumanhin ni Toni ang aniya'y pang-aabala niya pa sa programa ni Idol Raffy.

Ibinuking din ni Toni na inamin umano ni Rob nang mag-usap sila na nagkamali siya ng taong sasamahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Read also

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel