Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

- Matapos umani ng mga reaksiyon ang mga naging pahayag ni Dani Barretto sa isang video na ibinahagi ni Dra. Vicki Belo, isang makahulugang mensahe ang inilabas ni Keir Legaspi

- Ito ay kaugnay sa umano'y mga batikos na kanyang natatanggap at maging sa mga kasinungalingan

- Nagtanong pa ito na kung ano kaya ang mararamdaman ng taong di na niya pinangalanan kung siya mismo ang magpa-interview at ilabas niya ang kanyang panig

- Si Kier ang ama ng panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Keir Legaspi ang kanyang saloobin para sa isang tao na hindi na niya pinangalanan. Gayunpaman, pinipilit niya umanong tanggapin ang mga pambabatikos at kasinungalingan.

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya
Kier Legaspi (@kier_legaspi)
Source: Instagram
Magpainterview kaya ako Para yung side ko naman ang marinig. I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story. Game?

Read also

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Wala mang binanggit na pangalan, ang comments sa nasabing post ni Keir ay patungkol sa pagiging ama nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christopher Lim Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Kier Legaspi ay isang aktor na nakilala noong dekada 90 sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Siya ang nakababatang kapatid ng GMA actor na si Zoren Legaspi. Anak sila ng batikang aktor na si Lito Legaspi.

Siya ang ama ni Dani Barretto. Kamakailan, sa isang panayam ni Dra. Vicki Belo, naikwento ni Dani ang tungkol sa ilang detalye kaugnay sa kanilang realsyon bilang mag-ama. Tumira umano si Dani sa poder ng ama sa loob ng 3 buwan upang mas makilala ito. Gayupaman, nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan at umabot sa 7 taon na hindi umano sila nagkakausap.

Read also

Reaksiyon ni Alex Gonzaga habang nagpe-perform si Maris Racal, kinaaliwan

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate