Reaksiyon ni Alex Gonzaga habang nagpe-perform si Maris Racal, kinaaliwan

Reaksiyon ni Alex Gonzaga habang nagpe-perform si Maris Racal, kinaaliwan

- Ibinahagi ni Maris Racal ang video ng kanyang performance ng kanyang awiting "Ate Sandali"

- Umagaw sa pansin ng maraming netizens ang reaksiyon ni Alex Gonzaga habang nakaupo at nanunuod

- Pabiro namang tinanong ni Maris si Alex kung natutuwa ba ito sa kanyang performance

- Makikita din sa nasabing video si Robi Domingo na nanunuod habang nakaupo sa gilid na kahilera ni Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng performance ni Maris Racal kung saan makikita siyang nagpe-perform ng kanyang awiting Ate Sandali. May kasama siyang dalawang back-up dancer habang kumakanta siya at sumasayaw.

Reaksiyon ni Alex Gonzaga habang nagpe-perform si Mariz Racal, kinaaliwan
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Pabirong tinanong ni Maris si Alex Gonzaga kung natutuwa naman daw ba ito sa kanyang performance. Makikita kasi sa video ang reaksiyon ni Alex na parang seryoso at hindi ngumingiti.

Parang di ko alam if natutuwa ba si ate @cathygonzaga or hindi?? Anyways, stream Ate Sandali on spotify!

Read also

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Naroroon din si Robi Domingo na nakaupo sa gilid.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Parang PE subject to ah HAHAHA si ate alex yung terror PE teacher tas student si ate maris, kapag may maling step 75 agad ang grade! Haha!
Isang pgkakamali m lng daw.. Bbgyan ka ng 4 sa grades!
Haha! Yung prof mong tinitignan kung sabay2 ang steps nyo para sa grades. Ang cute mo talaga ate alex @cathygonzaga

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa sagot niya sa viral na post ni Maris Racal

Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel