Alex Gonzaga, kinaaliwan sa sagot niya sa viral na post ni Maris Racal
- Matapos mag-viral ang video na ibinahagi ni Maris Racal sa social media, kinaaliwan din ang naging sagot ni Alex Gonzaga sa kanya
- Ani Alex, natuwa naman daw siya sa performance ni Maris kung saan kinanta niya ang sariling kanta niyang Ate Sandali
- Nanggigil lang daw siya sa abs ni Maris na nagpapakita kahit hindi naman daw tinatawag
- Umani rin ng mga reaksiyon ang naging tugon ni Alex sa naunang tweet ni Maris kaugnay sa kanyang reaksiyon habang nanonood sa kanyang performance
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinaaliwan ng mga netizens ang tugon ni Alex Gonzaga sa nag-viral na tweet ni Maris Racal kung saan ibinahagi niya ang video ng kanyang performance.
Sa nasabing video, makikita ang seryosong reaksiyon sa mukha ni Alex. Kaya naman, pabiro siyang tinanong ni Maris kung natuwa naman daw ba ito sa kanyang performance.
Ani Alex, "Tuwa naman ako gigil lang ako sa abs mo nagpapakita sya kahit di naman tinatawag."
Sa Instagram post naman ni Maris ng parehas na video, ani Alex ay kinikilatis niya si Maris at magaling umano itong sumayaw.
Kinikilatis kita… magaling ang sawayan at performance mo. Asar ako sa abs mo nagpapakita sya kahit di tinatawag
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.
Kinaaliwan kamakailan ang video ni Alex kung saan sinubukan niyang maging yaya ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.
Dahil sa kanyang nakakaaliw na mga video sa YouTube, lalong dumami ang kanyang subscribers. Sa katunayan, nakatanggap siya kamakailan ng Diamond Play button mula sa YouTube.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh