Alex Gonzaga, sinubukang maging yaya sa anak nina Billy at Coleen

Alex Gonzaga, sinubukang maging yaya sa anak nina Billy at Coleen

- Sa kanyang bagong vlog, sinubukan ni Alex Gonzaga kung paano maging isang yaya

- Sinubukan niyang alagaan ang anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia at marami ang naaliw sa cute na anak ng mag-asawa

- Ayon kay Billy, excited na sila na magkaanak na sina Alex at asawa nitong si Mikee Morada

- Mahigit isang milyon na kaagad ang views ng nasabing video mula nang ibahagi ito ni Alex sa YouTube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ang video ni Alex Gonzaga kung saan sinubukan niyang maging yaya sa anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Kagaya sa nakasanayang video ng vlogger, kinaaliwan ang pagiging mapagbiro niya at kwela.

Alex Gonzaga, sinubukang maging yaya sa anak nina Billy at Coleen
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Hindi naman iniwan ni Coleen si Alex lalo at hindi sanay ang baby niyang si Amari na mawalay sa kanya. Gayunpaman, hindi inatrasan ni Alex ang paghuhugas kay Amari.

Read also

Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog

Hindi pa man umabot sa 24 oras mula nang ibahagi ni Alex ang nasabing video, umabot na sa mahigit isang milyon ang views nito.

Ayon kay Billy, excited na rin siya na magkaroon ng sariling anak si Alex at ang asawa nitong si Mikee Morada na naroroon din at nakita sa huling bahagi ng video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host at aktres na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Read also

Heart Evangelista, hiningian ng marriage advice ang kanyang ina

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel