Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo

Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo

- Naging mainit na usapin ang tungkol sa kasong idinulog ng isang kasambahay kaugnay sa umano'y pagbabanta sa kanya ng anak ni Lucio Tan

- Sa kanyang ibinahaging video, makikita ang naging komprontasyon sa pagitan niya at ng kanyang amo

- Sa panibagong update na ibinahagi sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action, nanindigan ang kasambahay na hindi siya magpapaareglo

- Desidido siyang magsampa ng kaso at papatunayan niyang mali ang sinasabi ng mga tao na pera lang ang katapat niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang pakikipag-usap kay Raffy Tulfo, mariing sinabi ni Rocell Siay na hindi siya magpapaareglo kagaya ng sinasabi ng mga tao na aatras din siya at pera-pera lang ang katapat ng kanyang pagrereklamo.

Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Inamin niya rin na wala siyang maayos na tulog simula nang mangyari ang pagbabanta sa kanya. Nangangamba umano siya para sa kanyang kaligtasan.

Read also

Juliana Parizcova Segovia, inilabas ang saloobin kaugnay sa panghuhusga sa kanya

Sinabi naman ni Idol Raffy na tutulong sila at maghahanap ng matitirhan ni Siay para hindi siya matunton. Todo pasalamat naman si Siay sa suportang kanyang natanggap mula sa news anchor.

Marami umano ang nag-re-reach out sa kanya na kumukumbinsi sa kanya na ayusin na lamang nila ng kanyang dating amo ang problema.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.

Read also

Idol Raffy Tulfo, tututukan ang kaso ng kasambahay laban sa anak ni Lucio Tan

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate