Juliana Parizcova Segovia, inilabas ang saloobin kaugnay sa panghuhusga sa kanya

Juliana Parizcova Segovia, inilabas ang saloobin kaugnay sa panghuhusga sa kanya

- Matapos maireklamo ng kapitbahay sa programa ni Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action", pinili ni Juliana Parizcova Segovia na huwag magsalita

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing video ng pagsumbong na kanyang kapitbahay na umano ay kanyang dinuraan

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi ng pahayag si Juliana kaugnay sa panghuhusga sa kanya

- Aniya, mas pipiiliin niya na lang na huwag nang intindihin ang panghuhusga sa kanya lalo at nabatikos na siya kahit hindi pa niya naibabahagi ang kanyang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag ni Juliana Parizcova Segovia ang kanyang katahimikan matapos siyang mareklamo sa programang Raffy Tulfo in Action. Inireklamo siya ng kanyang kapitbahay na kanyang nakainuman dahil sa umano'y pandudura niya sa nagrereklamong dalaga.

Juliana Pariscova Segovia, inilabas ang saloobin kaugnay sa panghuhusga sa kanya
Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Sa kanyang ibinahaging Instagram post, sinabi ni Juliana na minsan ay mas pinipili na lamang niyang manahimik dahil napapagod na siyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit aniya kung mas pinili ng mga tao na husgahan siya kahit hindi pa niya nailalabas ang kanyang panig ay sa tingin niya'y napapanahon nang wag na siyang makialam.

Read also

Kristoffer Martin, nagbahagi ng matapang na pahayag sa Twitter

I refuse to speak up many times towards things that hurt me because im really tired of explaining myself to everyone,so if people still want to crucify me for choosing myself first without hearing my side of story,i guess its about time to not just care at all

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2018.

Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Read also

Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo

Matapos makilala sa mundo ng showbiz, napasama si Juliana sa mga events ng mga celebrities kagaya na lamang ng ABS-CBN Ball kung saan naging usap-usapan din ang kanyang outfit.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel