Kristoffer Martin, nagbahagi ng matapang na pahayag sa Twitter
- Isang makahulugang pahayag ang ibinahagi ni Kristoffer Martin sa kanyang Twitter account
- Wala siyang binanggit na pangalan ngunit aniya ay hindi dapat magmalinis ang taong kanyang pinatutungkulan
- Tila isang paalala pa ang binitawan niya na kapag hindi pa tumigil ang taong ito ay siya mismo ang maglalabas ng kwento
- Gayunpaman, burado na ang tweet na ito ng Kapuso actor matapos lamang ang ilang oras
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na nakapagtimpi si Kristoffer Martin at nagpahayag ng kanyang saloobin. Hindi na nito pinangalanan kung para kanino ang kanyang tweet. Gayunpaman, sinabi niyang hindi ito dapat magmalinis dahil ay mali din ito.
Paalala niya, kapag hindi pa tumigil ang taong ito ay siya mismo ang maglalabas ng kwento. Sa kasalukuyan, burado na ang nasabing tweet.
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang mga naging pahayag ng Kapuso actress na si Liezel Lopez sa kanyang TikTok video kung saan natanong siya ng ilang netizens kung bakit hindi siya kasama sa Bohol trip ng aktor.
Dito niya sinabing nakipaghiwalay na siya kaya hindi siya kasama at sila umano ang nagplano ng trip na iyon noong hindi pa sila naghihiwalay.
Nanatili naman tahimik ang kampo ng aktor kaugnay sa isyu sa kabila ng mga pahayag ng aktres. Matatandaang nitong Abril lang ng kasalukuyang taon isinapubliko nina Kristoffer at Liezel ang tungkol sa kanilang relasyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kristoffer Martin ay unang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa singing contest na Little Big Superstar. Naging bahagi din siya ng mga palabas kagaya ng Boy & Kris, ASAP '08 at Wowowee at Kung Fu Kids.
Kamakailan ay naging emsyonal siya nang aminin ang tungkol sa kanyang pagiging ama. Naging dagok din para sa aktor nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang pamilya noong 2020.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh