Idol Raffy Tulfo, tututukan ang kaso ng kasambahay laban sa anak ni Lucio Tan

Idol Raffy Tulfo, tututukan ang kaso ng kasambahay laban sa anak ni Lucio Tan

- Sinabi ni Raffy Tulfo na tutukan niya ang kaso ng pagbabanta ng anak ni Lucio Tan sa kanyang kasambahay na dumulog sa kanyang programa

- Aniya, hindi niya ito bibitawan hanggang matapos ito upang mapatunayang mananaig ang hustisya

- Tutukan niya umano ang kasong ito para masiguradong hindi madehado ang kasambahay

- Sinabi din ng abogadong si Atty. Freddie Villamor na malakas ang kanilang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanindigan si Raffy Tulfo na tutukan niya ang kaso kaugnay sa kasambahay ng anak ni Lucio Tan na umano ay kinasuhan din ng kanyang amo ng cyber libel.

Ayon pa kay Idol Raffy, sisiguraduhin niyang hindi madehado ang nagrereklamong kasambahay na si Rocelle Siay.

Idol Raffy Tulfo, tutukan ang kaso laban sa anak ni Lucio Tan
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Paalala niya sa hahawak sa kaso na ingatan ang nasabing kaso dahil milyon-milyong tao ang nakatutok sa kasong ito.

Para naman sa abogadong si Atty. Freddie Villamor, na para sa kanya ay ang pag-uupload ni Rocelle ng video ay para lamang sa kanyang proteksiyon.

Read also

Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo

Aniya, kung hindi niya ginawa ang bagay na iyon ay maaring nanganib na ang buhay nito.

Binigyan naman ni Idol Raffy ang kasambahay na sisiguraduhin nila ang kanyang kaligtasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.

Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.

Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: